Ai Ai Delas Alas at wedding gown video niya, pinag-usapan ng mga netizens

Ai Ai Delas Alas at wedding gown video niya, pinag-usapan ng mga netizens

  • Labis na nasorpresa ang maraming netizens sa social media matapos magbahagi ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas ng isang video kung saan makikita siyang nakasuot ng magarang wedding gown
  • Makikita rin sa naturang Facebook post noong ikawalo ng Nobyembre na nakasakay ang sikat na komedyana sa isang bridal car at may hawak pang pulang bulaklak habang naglalakad papasok sa isang magandang gusali
  • Marami ang unang nag-akala na muling haharap sa dambana ang aktres para sa isang hindi pinangalanang karelasyon ngunit agad din niyang nilinaw sa kalagitnaan ng video na para lamang ito sa isang endorsement
  • Ibinahagi rin ng batikang aktres na sa naturang event venue niya planong ipagdiwang ang magiging kasal ng kanyang anak na si Sancho at ng mapapangasawa nito dahil wala pa siyang bagong karelasyon sa ngayon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Gumawa ng ingay sa social media ang bagong ibinahaging video ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas noong Lunes, Nobyembre 8. Sa naturang Facebook post, makikitang bumaba ang komedyana mula sa isang bridal car habang may hawak na pulang bulaklak at naglalakad papasok sa isang bonggang establisyimento suot ang puting wedding gown. Lalo pang napaisip ang mga tagasubaybay dahil sa inilagay niyang caption na "Again?!!! yes at hindi ako mag eexplain .. Surprise!!!" na sinamahan pa ng hashtag na "#BeautifulBride."

Read also

Baron Geisler at PBB, muling pinag-usapan matapos ang kanyang X post

Ai Ai Delas Alas at wedding gown video niya, pinag-usapan ng mga netizens
Ai Ai Delas Alas at wedding gown video niya, pinag-usapan ng mga netizens (📷Ai Ai Delas Alas /Facebook)
Source: Facebook

Dahil dito, unang inakala ng maraming netizens na muling ikakasal ang aktres sa isang hindi pa pinangalanang karelasyon. Gayunpaman, sa kalagitnaan ng video ay biglang nagsalita si Ai Ai upang ibunyag na isa lamang itong endorsement para sa isang magandang event venue. "Oh bakit? Ano? Akala n'yo, totoo na naman," bungad ng komedyana sa video. Dagdag pa niya, "Oh bakit hindi ba puwedeng maglakad dito? Oh, ganda ko 'di ba? Uy, ganda-ganda rito. Sobra." Hinikayat din niya ang publiko at sinabing, "Ang ganda-ganda rito, dito kayo magpakasal. Dito ko ipapakasal yung anak ko."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon pa sa aktres, nais din sana niyang magpakasal sa naturang lugar ngunit wala pa siyang karelasyon sa kasalukuyan kaya ang anak muna niyang si Sancho ang ikakasal doon. "Hindi man ako ako ikasal... pero actually, gusto ko rito eh. Ang tanong lang, kanino? Kaya yung anak ko na lang muna. Si Sancho dito ikakasal saka yung aking daughter-in-law," pahayag pa ni Ai Ai. Sa ngayon ay wala pang napababalitang bagong kasintahan ang komedyana mula nang matapos ang huli niyang buhay-may-asawa.

Read also

Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine

Matatandaang ikinasal si Ai Ai kay Gerald Sibayan noong 2017 at nanirahan sila sa Amerika. Bagama't malayo ang agwat ng kanilang edad, tumagal ng halos isang dekada ang kanilang relasyon bago nauwi sa diborsyo. Noong 2024, kinumpirma ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda na nakipaghiwalay si Gerald sa text message dahil nais umano nitong magkaanak. Nitong Setyembre 2026 ay lumabas ang ulat na ikinasal na si Gerald sa ibang babae.

Bago pa man ang masayang post na ito, naging bukas din ang aktres tungkol sa kanyang pinagdaanan at mga taong malalapit sa kanya. Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, diretsahang sinagot ni Ai Ai ang tanong ng isang netizen online kaugnay ng dati niyang asawang si Gerald. Nagbigay ang komedyana ng tapat na tugon sa komento habang ipinapakita na patuloy siyang umuusad sa buhay. Umani naman ng suporta mula sa mga tagahanga ang ipinakitang katatagan ng aktres.

Samantala, ibinahagi rin sa isa pang ulat ng Kami.com.ph ang pasasalamat ni Ai Ai para sa matalik niyang kaibigan na si Alden Richards. Ibinunyag ng Comedy Concert Queen ang isang kabutihang ginawa ng aktor na matagal nitong inilihim sa publiko. Ayon sa komedyana, labis siyang humanga sa kababaang-loob at bukal sa pusong pagtulong ni Alden nang walang hinihinging kapalit o atensyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate