Kris Aquino at James Yap, nagkita sa isang ospital kasama si Bimby
- Ibinahagi ni Kris Aquino na nagkaroon sila ng hindi inaasahang pagkikita ng dati niyang asawang si James Yap sa isang ospital kung saan siya pa ang unang bumati
- Ikinuwento ng mag-ina sa kanilang livestream noong Miyerkules, Nobyembre 11, na naroroon sa ospital si James para sa anak nitong si Francesca nang magkasalubong sila sa elevator
- Ipinaalala rin ni Kris kay James bago sila maghiwalay ang tungkol sa sasakyang ipinangako nito para kay Bimby ngunit pinili ng binata na ipagpaliban muna ito
- Nagpasalamat naman ang aktres sa pagkukusa ni James na makipag-ugnayan nang direkta sa kanilang anak at masaya siyang hindi na sa media idinadaan ang pag-uusap ng mag-ama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinunyag ni Kris Aquino na nagkaroon sila ng hindi inaasahang pagkikita ng kanyang dating asawang si James Yap sa isang ospital, kung saan siya pa ang unang bumati rito. Ikinuwento ito nina Kris at ng kanyang anak na si Bimby sa kanilang livestream para sa isang e-commerce platform noong Miyerkules, Nobyembre 11. Bagama't hindi nila binanggit kung kailan eksaktong nangyari ang pagtatagpo, sinabi ni Bimby na nasa ospital noon si James para sa anak nitong si Francesca.

Source: Instagram
Ayon kay Kris, maayos niyang sinalubong ang ama ni Bimby nang magkasalubong sila. “We ran into [James] in the hospital. I like this because I feel na it’s good to have love, love, love and peace on earth. Ako pa ‘yung nag-hello kasi nakita namin ‘yung tatay ni Bimb,” pagbabahagi niya. Dagdag pa niya, “They were holding the elevator for us actually tapos sabi ko, ‘Join us.'”
Napansin din daw agad ni James ang pagtangkad ng kanilang anak. “He said [to Bimb], ‘Uy, tangkad mo na.’ And then I said, ‘Yes, he’s taller than you,'” kuwento ni Kris. Nabanggit naman ni Bimby na may iba pang sinabi ang kanyang ina na inilarawan niyang “nice, honest” na mga pahayag, na sinagot ni Kris ng, “Yes, but I’m censoring myself.”
Bago sila naghiwalay, ipinaalala umano ni Kris kay James na may utang pa itong sasakyan sa kanilang anak. Ibinunyag din niya na nakikipag-ugnayan na ang dating basketbolista at ngayo'y politiko kay Bimby, ngunit pinili muna ng binata na ipagpaliban ang pagbili nito. “I feel proud of you kasi madali naman talagang—you were 8, so it’s been 11 years na—’wag na natin sabihin, but anyway, pwedeng-pwede ka… karapatan mo as his child to ask for something. But he said, ‘Mama, I don’t feel comfortable and I’m earning,’” ani Kris.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagpasalamat din si Kris kay James at sinabing, “Nando’n ‘yung spirit of trying to reach out.” Kinausap din niya si Bimby at sinabing, “I’m happy for you because at least hindi na puro sa media dinadaan. Diretso na na kayong dalawa lang.” Pinuri naman ni Bimby ang pagkukusa ng kanyang ina na unang bumati sa kanyang ama dahil hindi umano magiging magalang kung hindi nila ito gagawin.
Matatandaang ikinasal sina Kris at James noong 2005 at nagkaroon ng anak na si Bimby noong 2007 bago napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2012. Nitong mga nakaraang taon, madalas nasa ospital si Kris para magpagamot sa kanyang mga autoimmune disease, habang si James ay bumuo ng sariling pamilya at pumasok sa politika.
Bukod sa pagkikita nila ng dating asawa, naging bukas din si Kris tungkol sa mga karanasan niya sa ospital kasama si Bimby. Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Kris ang nakagugulat na hiling niya sa doktor habang inooperahan. Maging si Bimby ay nahiya umano sa sinabi ng kanyang ina.
Samantala, ibinahagi rin sa isa pang ulat ng Kami.com.ph ang paliwanag ni Kris kung bakit mas gamit ng kanyang anak ang apelyidong Aquino kaysa sa Yap. Nilinaw ng aktres ang dahilan nito kasabay ng pagtalakay sa relasyon ng mag-ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


