Assunta De Rossi, maayos na naisilang ang kanyang "miracle" baby girl

Assunta De Rossi, maayos na naisilang ang kanyang "miracle" baby girl

- Nanganak na ang aktres na si Assunta De Rossi Ledesma ng isang malusog na baby girl

- Kinumpirma ito ng entertainment columnist na si Jun Lalin sa kanyang Instagram post

- Makikita kung gaano kaganda ang unang anak nina Assunta at mister nitong si Jules Ledesma na si baby Fiore

- May kahabaan ang tunay na pangalan ni baby Fiore na kasama na pa ang pangalan ng kanyang tita Alessandra

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Assunta De Rossi, maayos na naisilang ang kanyang "miracle" baby girl

Photo: Assunta Ledesma's Instagram
Source: Instagram

Nakapagsilang ng isang malusog na baby girl ang aktres na si Assunta de Rossi Ledesma ngayong araw, Oktubre 23.

Nalaman ng KAMI na may palayaw na "Fiore" ang napakagandang baby girl nina Assunta at mister nitong si Jules Ledesma.

Kinumpirma ito ng entertainment columnist na si Jun Lalin sa kanyang Instagram post.

Ayon kay Jun, "Giulia Fiorentina Alessandra" ang buong pangalan ni Baby Fiore. Mapapansing kasama pa rito ang pangalan ng kanyang tita Alessandra na kapatid ni Assunta.

KC Montero, dumipensa matapos batikusin ng fans ni Miss Bohol

7:06 ngayong umaga isinilang si Baby Fiore sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

May timbang daw itong 5 lbs 12 oz at kitang-kitang maganda at malusog ang bata.

Maging ang kanyang proud sister na si Alessandra ay nagbahagi rin ng unang larawan nina Assunta at Baby Fiore.

Mapapansin ang 'tears of joy' sa mga mata ng first-time mom.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinawag itong 'miracle baby' ni Assunta dahil sa 20 taon nila itong hinintay ng kanyang mister.

Mayo ng kasalukuyang taon nang masaya niyang inanunsyo ang kanyang pagdadalang tao.

Mula noon, wala na halos laman ang kanyang mga social media post kundi ang update sa pagbubuntis niya kay Baby Fiore na labis niyang pinangalagaan.

Ang isa sa mga pinakahuli nga niyang post ay ang pag-anunsyong maari na siyang manganak anumang araw ngayong buwan ng Oktubre.

Marco Gumabao, todo suporta sa kapatid na si Michele sa gitna ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Assunta de Rossi ay isang award-winning Filipina-Italian actress. Siya ang nakatatandang kapatid ng isa sa mahuhusay na aktres sa bansa na si Alessandra De Rossi.

Marso 2004 ang ikasal si Assunta kay Jules Ledesma at sa loob ng halos dalawang dekada nilang paghihintay, ngayon lamang dumating ang napakagandang biyaya sa kanila na si baby Fiore.

Tila sulit naman daw ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ni Assunta sa pagbubuntis niya kay Baby Fiore lalo na at naganap ito sa gitna ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel