Maja Salvador, nag-react sa mga komento sa kanya ng mga netizens

Maja Salvador, nag-react sa mga komento sa kanya ng mga netizens

- Binasa ni Maja Salvador ang mga komento ng mga netizens sa kanyang mga YouTube videos

- Sinagot niya ang mga ito at ibinahagi niya ang kanyang reaksiyon sa mga mensahe para sa kanya

- Matapos ang pagkatigil ng kanilang Sunday noontime show sa TV5 kasama si Piolo Pascual at Catriona Gray, mas naging aktibo si Maja sa paggawa ng YouTube videos

- Umabot na sa mahigit 1 milyon ang kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan May 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inatrasan ni Maja Salvador ang mga komento ng netizens sa kaniya na kanilang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Maging ang mga negatibong komento ay kanyang binasa at sinagot.

Maja Salvador, nag-react sa mga komento sa kanya ng mga netizens
Maja Salvador (@iammajasalvador)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sarah Geronimo, hindi kinaligtaan ang mga magulang sa kanyang TALA concert

Tinawanan lang ni Maja ang mga komentong hindi masyadong positibo. Sinagot niya rin ito isa-isa. Pinasalamatan niya rin ang lahat ng sumuporta sa kanya.

Ever since nag-start ako ng aking youtube channel, nakita at naramdaman ko talaga ang mainit na suporta niyo sa akin. I you all! Sobrang aliw yung mga sinasabi niyo kaya naman my team compiled some of your comments and pinabasa nila sa akin yun para kunin ang aking reactions. Tulad ng sabi ko sa vlog, react react lang walang personalan!

Pagbabahagi ni Maja, kapag matapos na ang pandemya, pangarap niya rin magkaroon ng meet and greet sa kanyang subscribers na umabot na ng mahigit 1 milyon.

Matatandaang inumpisahan ni Maja ang kanyang YouTube channel noong May 2019.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

Read also

Nash Aguas at Mika Dela Cruz, pinanood ang kanilang videos noong bulilit pa sila

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang isa si Maja Salvador sa lumipat sa TV5 matapos tuluyang ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng Sunday noontime show na Sunday Noontime Live! sa TV5 na tumagal lamang ng tatlong buwan. Matapos ang pagkakansela ng kanilang show, nanatiling positibo ang pananaw sa buhay ng aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel