Sarah Geronimo, hindi kinaligtaan ang mga magulang sa kanyang TALA concert

Sarah Geronimo, hindi kinaligtaan ang mga magulang sa kanyang TALA concert

- Sa kabila ng hindi kanais-nais na pangyayari kasunod ng kasal nila ni Matteo Guidicelli, muling pinatunayan ni Sarah ang kanyang pagmamahal sa mga magulang

- Sa kanyang katatapos lang na concert na pinamagatang ‘Tala: The Film Concert’, naging bahagi pa rin ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin

- Hindi lang kinabiliban ng publiko ang husay ni Sarah sa pagperform kundi sa pagiging mabuti nitong anak at kapatid

- Ipinakita sa screen ang bonding moments nila ng parents, ‘yung pag-aasikaso sa kanya ni Mommy Divine at mga duet nila ni Daddy Delfin sa dating concerts niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan ni Sarah Geronimo na walang nagbago sa kanya na nakilala ng publiko bilang mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang.

Ito ay sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari sa naganap na kasal nila ni Matteo Guidicelli na naging simula ng tampuhan nila ng kanyang Mommy Divine.

Read also

Kapatid ni Jelai Andres, binanatan si Jon Gutierrez dahil sa pambabae umano nito

Sarah Geronimo, hindi kinaligtaan ang mga magulang sa kanyang TALA concert
Sarah Geronimo attends the red carpet for the Classic Rock Awards at Ryogoku Kokugikan on November 11, 2016 in Tokyo, Japan. (Photo by Jun Sato/WireImage)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang bahagi ng kanyang concert, ipinakita sa screen ang bonding moments nila ng kanyang parents, ‘yung pag-aasikaso sa kanya ni Mommy Divine at mga duet nila ni Daddy Delfin sa mga dati pa niyang concerts.

Kinanta ni Sarah ang awiting ‘Isa Pang Araw’ na theme song naman ng movie niyang Miss Granny. Inalay niya ang awiting ito para sa mga magulang.

Napag-alaman ng KAMI mula sa News Ko na kabilang ang mag-asawa sa mga Executive Producers ng ‘Tala’ concert kasama si Boss Vic del Rosario.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Read also

Bea Alonzo, pinabilib ang mga netizens sa kanyang husay sa pagluto

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel