Kapatid ni Jelai Andres, binanatan si Jon Gutierrez dahil sa pambabae umano nito

Kapatid ni Jelai Andres, binanatan si Jon Gutierrez dahil sa pambabae umano nito

- Hindi na nakapagpigil ang kapatid ni Jelai Andres na si Candy Andres na ilabas ang kanyang saloobin

- Ito ay kaugnay sa umano'y pambababae ni Jon Gutierrez na mas kilala bilang si King Badger

- Pinaalala nito ang pagpapatawad ni Jelai sa kanya sa kabila ng mga nangyari noon na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay

- Binalaan din ni Candy si Jon na huwag siyang tatawaging ate at huwag babalik sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na itinago ng kapatid ni Jelai Andres ang kanyang galit sa asawa ng kapatid. Pinangalanan mismo ni Candy Andres si Jon Gutierrez na ang taong tinutukoy niya sa kanyang mga patutsada.

Ibinahagi ni Candy ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Kapatid ni Jelai Andres, binanatan si Jon Gutierrez dahil sa pambabae umano nito
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Barretto, naniniwalang okay lang na ang babae ang gumawa ng first move

Binalaan nito si Jon na huwag siyang tatawaging ate. Ito ay matapos umano nilang matuklasan ang pinagkatago-tagong babae umano ni Jon. Naka-tag si Jelai sa nasabing post.

Dipensa naman ni Jon, dapat ang mga bagay na kagaya sa kanilang pinagdadaanan ay pinag-uusapan nang pribado at hindi dapat umano ilabas sa social media.

Agad na nag-viral ang post na ito ni Candy na umabot na sa mahigit 16,000 ang comments at nai-share nang mahigit 47,000 na beses.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nagviral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Read also

Janica Nam Floresca, ibinahagi ang kanyang open letter para kay Franco Hernandez

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinakiligan naman ng kanilang fans ang Valentines Day date nila noong nakaraang taon matapos ang kanilang paghihiwalay.

Hindi tumigil si Jon sa panunuyo sa asawa para mapatawad siya umano nito at maibalik ang dati nilang pagsasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel