Janica Nam Floresca, ibinahagi ang kanyang open letter para kay Franco Hernandez

Janica Nam Floresca, ibinahagi ang kanyang open letter para kay Franco Hernandez

- Isang open letter ang ibinahagi ni Janica Nam Floresca para sa kasintahang si Franco Hernandez na yumao tatlong taon na ang nakalipas

- Sa kanyang ibinahaging open letter, ibinahagi ni Nam ang kanyang pinagdaanang hirap matapos ang aksidente na kumitil sa buhay ni Franco

- Gayunpaman, sa pagdaan ng panahon ay natagpuan ni Nam ang kaligayahan sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya

- Matatandaang marami ang nagimbal sa balita ng pagpanaw ni Franco noong November 11, 2017 matapos tumaob ang kanilang bangka at nalunod ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong taon matapos ang naganap na aksidente na kumitil sa buhay ng Hashtags member na si Franco Hernandez, naglabas ng open letter ang kasintahan nitong si Janica Nam Floresca.

Dito ibinahagi ni Nam ang kanyang saloobin at damdamin para sa yumaong kasintahan.

Janica Nam Floresca, ibinahagi ang kanyang open letter para kay Franco Hernandez
Janica Nam Floresca (@janicanam)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Barretto, naniniwalang okay lang na ang babae ang gumawa ng first move

Muling sinariwa ni Nam ang pangyayari noon. Aniya, nahirapan siya sa pagkawala ni Franco at inakala niyang mahihirapan siyang maging masaya uli.

Gayunpaman, sa tulong ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, nakayanang lagpasan ni Nam ang hirap.

Nasanay na rin umano siyang mag-isa. Hindi niya inasahang may dadating pang pag-ibig sa kanya.

Alam niya umanong ang gusto ni Franco ay maging masaya siya at masasabi niyang masaya na siya.

Ipinagpasalamat din ni Nam ang pagdating ni Franco sa buhay niya kahit sa sandaling panahon. Hindi niya umano makakalimutan ang lahat ng alaala ni Franco.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Janica Nam Floresca ay isang Chinese model na naging bahagi na rin ng ilang mga teleserye kagaya na lamang ng Wild Flower na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Isa din siyang commercial model at product endorser. Matapos ang pagpanaw ni Franco, nanatili ang pag-alala ng dalaga sa yumaong kasintahan. Palagi itong nagbabahagi ng mga litrato nilang magkasama.

Read also

Fumiya Sankai, ibinahaging nagkaroon ng cerebral hemorrhage ang kanyang ina

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Hindi nito nakaligtaang batiin ang yumaong Hashtags member sa ilang mahahalagang okasyon ng kanilang buhay kabilang na sa kanilang anniversary.

Naging maintriga din ang pahayag ni Nam hinggil sa pangyayari noong sila ay naaksidente sa kanilang bakasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel