Girlfriend ni Hashtag Franco Hernandez, inalala ang pangyayari matapos ang isang taon

Girlfriend ni Hashtag Franco Hernandez, inalala ang pangyayari matapos ang isang taon

- Eksaktong isang taon ngayong araw, nagimbal ang tagahanga ni Hashtag Franco Hernandez

- Nalunod ito nang tumaob ang sinakyan nilang bangka habang nasa bakasyon kasama ang kanyang girlfriend na si Janica Nam Floresca

- Sa kanyang ika-unang taong death anniversary, nagbalik-tanaw ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinariwa ni Janica Nam Floresca ang kanyang pagdadalamhati simula ng mangyari ang isng trahedya isang taon na ang nakalipas. Matatandaang nasa bakasyon ang buong cast ng noontime show na It's Showtime.

Iyon ang araw ng kasal ni Anne Curtis sa Switzerland. Dahil nga walang trabaho ay nagbakasyon sina Franco Hernandez kasama ng girlfriend niyang si Janica Nam Floresca at kasama niyang Hashtag na si Tom Doromal kasama din ang kanyang kasintahan.

Sa kanyang paggunita sa ika unang taong anibersaryo ng pagpanaw ni Franco, isang makabagbag damadaming mensahe ang ibinahagi ni Janica sa Instagram.

Nasanay na ang netizens sa mga post nito kung saan kadalasan ay mga litrato ng namayapang nobyo. Sa kanyang post ay ibinahagi niya pa ang isang video kung saan nilalagyan niya pa ng lipstick si Franco habang nakahimlay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dinalaw din ni Janica ang puntod ng nobyo at dinalhan ito ng mga bulaklak.

Bumuhos din ang mensahe ng pagsuporta sa dalaga na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin sa pangyayari. Inakala daw niyang maging mas magaan na ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng isang taon ngunit lalo lang daw siyang nabibigatan.

Si Franco Miguel Hernandez Lumalan na mas kilala bilang Hashtag Franco ay miyembro ng Showtime all-male dance group na Hashtags.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Pinoy celebrity couples who decided to adopt kids

5 Pinoy celebrity couples who decided to adopt kids

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel