COVID-19 cases sa Pilipinas, nadagdagan ng halos 10,000 sa loob lang ng isang araw

COVID-19 cases sa Pilipinas, nadagdagan ng halos 10,000 sa loob lang ng isang araw

- Umabot na sa halos 10,000 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, Marso 26

- Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula pa nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon

- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 109,018 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Kahapon Marso 25, umabot na sa 8,773 ang naitalang bagong kaso na inakalang pinakamataas na sa loob ng isang araw

- Mahigit isang linggo nang hindi bumababa sa 4,500 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na sa bilang na 9,838 ang mga dumagdag na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Marso 26.

Ito na sa ngayon ang pinakamataas na bilang na naitala ng bansa sa loob lamang ng isang araw mula pa noong maideklarara ang pandemya sa buong mundo noong nakaraang taon.

Read also

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 702,856 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

COVID-19 cases sa Pilipinas, nadagdagan ng halos 10,000 sa loob lang ng isang araw
Photo from Pixabay
Source: UGC

Sa bilang na 9,838, 95.1% sa mga ito ay mild, 3.0% naman ang asymptomatic cases. 0.8 % ang severe, at 0.7 % naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.42% naman ang moderate.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 109,018 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala sa kabila ng mataas na bilang ng mga naidagdag na confirmed cases, 664 lamang ang mga naitalang naka-recover ngayong araw habang may 54 na mga pumanaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw at tila patuloy pa ring tumataas.

Read also

Aktibong kaso ng COVID-cases sa bansa, umabot na sa halos 100,000

Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.

Pinag-aaralan na rin kung kinakailangan na ang pagsusuot ng double face mask bilang dagdag proteksyon lalo na sa mga lumabas ng bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panibagong mga guidelines na inilabas ng IATF, pinagbawalan na muling lumabas ang may edad 17 pababa at maging ang mga 65-anyos pataas.

Pinaaalala pa rin na huwag na munang pumunta sa matataong lugar kung hindi naman kinakailangan lalo na at tumataas na naman ang bilang ng mga tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Kasalukuyan ding tinatawag na "NCR plus" ang Metro Manila at mga karatig lugar nito tulad ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite. Ipinatutupad sa mga lugar na ito ang mas istriktong polisiya sa ilalim pa rin ng general community quarantine.

Read also

Naitalang COVID-19 cases sa Pinas, lampas 8,000 sa loob lang ng isang araw

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ilang mga showbiz personalities ang 'di mapigilang maglabas ng kani-kanilang saloobin ukol dito.

Sa kabila kasi ng patuloy na pagpapaalala sa publiko ng mga safety protocols, may mga ilan pa rin na lumalabag at posibleng nagiging dahilan ng patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica