Foam Party sa Bohol, kitang-kita ang paglabag sa Covid-19 restrictions

Foam Party sa Bohol, kitang-kita ang paglabag sa Covid-19 restrictions

- Viral ang video ng na kuha umano sa isang foam party na naganap sa isang private resort sa Bohol

- Kitang-kita video ang mga taong nasa party na walang social distancing at walang mga suot na face mask o face shield

- Lumabas sa imbestigasyon na tuwing Biyernes na pala ito isinasagawa buhat nang pahintulutang magbukas ang mga private resort

- Sa ngayon, ipinatigil na ang kaganapan sa resort at pinag-aaralan na ng pulisya kung mananagot pa ang resort sa paglabag sa mga safety protocols kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na kumalat ang video ng umano'y isang foam party na naganap sa isang private resort sa Panglao, Bohol.

Nalaman ng KAMI na kitang-kita sa naturang video ang paglabag sa safety protocols na ipinatututpad pa rin sa bansa bilang pag-iingat sa COVID-19.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Sa video na ibinahagi ng YouTube channel na San Pedro chill, kapansin-pansin na walang social distancing at wala ring suot na face mask at face shields ang mga nasa party.

Foam Party sa Bohol, kitang-kita ang paglabag sa Covid-19 restrictions
Photo from: Shutterstock
Source: UGC

Ayon pa sa ulat ng Yahoo Philippines, naalarma rin ang lokal na pamahalaan ng Panglao dahil sa umano'y nagawa ng isang party organiser sa labis na kalasingan.

At nang nagpadala ng staff si Mayor Leonila Montero, doon napag-alaman na tuwing Biyernes na pala talaga isinasagawa ang naturang party mula nang pinahintulutang magbukas ang mga private resort.

Pinag-aaralan pa ng pulisya kung ano ang maaaring pananagutan ng resort bukod sa pagtigil ng mga kaganapang tulad na ito sa kanilang establisimyento.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Malinaw kasi ang paglabag ng mga ito sa COVID-19 restrictions sa bansa.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na mayroon nang nangahas na magsagawa ng party sa kasagsagan pa rin ng pandemya.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Maging ang events producer at TV host na si Tim Yap ay inulan noon ng batikos sa pagpapasinaya ng party sa Baguio City na dinaluhan ng ilang celebrities ayon sa Inquirer.

Sa ulat naman ng GMA News, isa ring foam party ang naganap sa Bacolod nitong Enero. Bukod sa walang face mask at face shields at walang social distancing, nagsasalo-salo pa sila sa pagkain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa muling pagbubukas ng mas marami pang mga kabuhayan sa gitna ng pandemya. Hindi na talaga maiwasan ang pagkakaroon ng pagtitipon na hindi pa rin talaga inirerekomenda.

Tulad na lamang noong Marso 12 at 13 kung saan magkasunod na araw na pumalo sa halos 5,000 sa isang araw ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Nangangahulugan lamang na patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa kaya naman nangangailangan pa rin ng ibayong pag-iingat lalo na at hindi pa lahat ng mamamayan at nabigyan ng COVID-19 vaccine.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica