'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang
- Isang magulang ang umaming isa siya sa mga gumagawa ng 'sagot for sale' na talamak ngayon
- Kwento niya, isang Grade 12 student ang unang lumapit sa kanya para magpagawa ng essay para sa kanyang module
- Sa una'y load lamang para sa internet data ang ibinibigay ng mga nagpapagawa minsan pa nga ay libre na talaga
- Pero dahil sa dumarami ang mga pinagagagawa sa kanya lalo na at graduating ang mga ito, doon na siya naningil
- Sa loob ng tatlong buwan, nakalikom na siya ng Php6,800 na siyang napapagkunan niya ng pagkakakitaan lalo na at wala siyang hanapbuhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isiniwalat ng isang magulang kung paano siya humantong sa pagawa ng "Sagot for sale" na talamak ngayon sa mga blended at lalo na sa modular learning.
Nalaman ng KAMI na ang ina na ito mula sa albay na hindi nais mapangalanan ay isa sa mga nalapitan mga estudyante ngayon para magpagawa o magpasagot ng kanilang mga module.
Sa panayam sa kanya ng Philippine Star, ikinuwento nito na isang Grade 12 student ang lumapit sa kanya para magpagawa ng essay.
Sa umpisa'y libre lamang ito at bilang pakonsuwelo, binibigyan daw siya nito ng mobile load para sa data na maari niyang magamit.
Hanggang sa dumami na ang pinagagawa nito sa kanya lalo pa at graduating student ito.
Kaya naman pilit na ring nag-aabot ng bayad ang estudyante. Sa kada-200 word essay na ginagawa niya, Php150 ang ibinabayad ng estudyante.
Kwento pa ng gumagawa na minsa'y inabot pa siya ng 1:00 ng madaling araw sa pagsasagot ng sampung module dahil natambakan na umano ang estudyante.
Bukod dito, nadagdagan din ang estudyanteng lumalapit sa kanya para manggawa ng kanilang mga modules.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa loob ng tatlong buwan, nakalikom na siya ng halagang Php6,800. Malaking bagay na raw ito para sa kanya lalo na at may lima siyang mga anak na binubuhay at wala pa talaga siyang regular na trabaho.
Kamakailan lamang ay naglabas na ng pahayag ang Department of Education kaugnay sa "sagot for sale" na marami-rami nang mag-aaral ang pumapatos.
Ayon sa panayam sa kanila ng ABS-CBN News, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na pinaiimbestigahan na niya ang kalakarang ito lalo na at mga guro pa umano ang ilan sa mga nasasangkot sa ganitong gawain.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa ang pagsasagot ng mga learning modules sa iba't ibang modalities na inihain ng Department of Education upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng pandemya.
Kasalukuyan na ngayong nakatapos ng dalawang markahan ang mga nasa pampublikong paaralan at inaasahang magsisimula ang ikatlong markahan sa Marso 22.
Samantala, kinumpirma rin ng DepEd kamakailan ang mga pagbabago sa school calendar ng panuruang taon 2020-2021 kung saan sa Hulyo 10 ang huling araw ng klase.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh