Walkie-talkie, gamit ng mga mag-aaral at guro sa Kalinga na walang internet
- 'Walkie-Talkie' ang ginagamit ng mga mag-aaral at guro sa Kalinga, Apayao upang makapag-usap pa rin sila kahit wala sa paaralan
- Dahil sa wala silang internet, isa raw ang walkie-talkie o two-way radio sa nagagamit ng pitong guro upang magabayan pa rin ang kanilang mga estudyante sa pagsasagot ng mga ito ng kanilang mga learning module
- Nasa 154 naman na mga estudyante ang mayroong walkie-talkie na mabisang paraan din umano upang makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang mga guro
- Bukod sa signal, isa sa mga pagsubok ng kanilang lugar ang walang maayos na daanan dahil sa katatapos lamang na pagbagyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa ang 'walkie-talkie' sa nakitang solusyon ng Kagawaran ng Edukasyon upang magkaroon pa rin ng komunikasyon ang mga guro at mag-aaaral na walang koneksyon sa internet.
Nalaman ng KAMI na sumadya mismo si Department of Education undersecretary Alain Pascua sa Brgy. Magnao sa Kalinga upang makita ang sitwasyon ng mga mag-aaaral doon.
Nadatnan niyang hawak ng nasa 154 na mag-aaral at 7 guro na Magnao Elementary School ang two-way radio.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ito raw ang naisip na konsepto ng kanilang Teacher-In-Charge na si Rafael Gonayan para makausap pa rin ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Gayundin upang magabayan ng mga guro ang mga mag-aaral sa pagsasagot nila ng kanilang mga learning modules.
Sa ganitong paraan, kahit na walang signal ang mga cellphone at kahit walang internet sa kanilang lugar, regular na nakakausap ng mga guro ang kanilang estudyante gamit ang walkie-talkie.
Isa rin sa pagsubok sa nasabing lugar ay ang maputik na kalsada bunsod sa katatapos lamang na pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa kabila ng mga pagsubok na ito, kahanga-hanga na nakagawa ng paraan ang mga guro ng Magnao ES maipagpatuloy lamang ang edukasyon sa gitna ng pandemya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Oktubre 5 na nang magbukas ang panuruang taon 2020-2021 para sa mga pampublikong paaralan.
Iba't ibang learning modalities ang inihain ng Department of Education matiyak lamang na makapag-aaral pa rin ang mga mag-aaral na Pilipino kahit lumalaganap pa rin ang COVID-19.
Bukod sa paggamit ng walkie-talkie, online classes ang isinasagawa ng mayroon mga internet connection.
Karamihan naman sa mga mag-aaral ay may mga learning modules na kanilang sinasagutan at may mga programa rin sa DepEd TV na maaring mapanood ng mga bata na nakabase rin sa kanilang mga aralin.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh