OFW sa Dubai, hindi pa rin maiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na siya

OFW sa Dubai, hindi pa rin maiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na siya

- Sa kabila ng malaking kinikita na umabot na sa milyon, 'di pa rin iniiwan ng OFW na ito ang employer sa Dubai

- Paliwanag niya, napamahal na sa kanya ang mga alaga na parang itinuring na niyang tunay na mga anak

- Napakabuti na rin daw ng kanyang amo sa kanya na itinuring na rin siya parang kapatid

- Hangga't kaya pa raw niya ay hindi siya aalis sa trabaho lalo kahit pa milyon na ang kanyang naipong pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa OFW na si Rosie Vargas Villa na sa kabila ng pagiging 'milyonarya' ay patuloy pa ring nagsisilbi sa pamilyang napamahal na sa kanya sa Dubai.

Nalaman ng KAMI na walong taon na siya sa kanyang amo at siya na rin ang nagpalaki sa mga anak nito.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Mababait at parang kapatid na raw ang turing ng mga ito sa kanya. Katunayan, "special auntie" na ang turing sa kanya ng kanyang mga alaga at hindi isang helper na paliwanag din ng mga magulang nito.

OFW sa Dubai, hindi pa rin maiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na siya
Rosie Vargas Villa (Photo from Global Pinoy Unlimited)
Source: UGC

Sumabak na dati bilang domestic helper sa Hong Kong at Singapore si Rosie ngunit pinalad siya nang mapadpad sa employer sa Dubai.

Pamilya na raw talaga ang turing ng mga ito sa kanya. Napapasunod din niya ang mga alaga pagdating sa pagdidisiplina kaya naman maayos talaga ang kanilang pagsasama.

Kaya naman marami raw sa ating mga kababayan ang nagtataka kung bakit nananatili pa rin ito sa employer gayung umabot na sa milyon ang kanyang kinikita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Katwiran niya, nauubos ang pera subalit hindi matatawaran ang kabutihan ng kanyang amo at mga alaga.

Kaya naman hangga't kaya niya ay mananatili siya sa pamilyang ito lalo na at malaki naman na ang nag-iisa niyang anak sa Pilipinas na nauunawaan naman na ang kanilang sitwasyon.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Narito ang kabuuan ng kwento ni Rosie na ibinahagi ng GMA Pinoy TV:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na tila dumarami naman na ang mga kababayan nating OFW na nagiging matagumpay naman sa pangingibang bansa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad na lamang ng isa ring naibahagi ng KAMI kung saan nakapagpundar na ng sariling travel and tours business ang isang Pinay OFW na payayabungin na lamang ang negosyo upang di na mangibang bansa.

Ang ilan naman, tulad ni Rosie, nabiyayaan ng mabuting amo kaya naman nakapagtatrabaho sila ng matiwasay kahit na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica