Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

- Nalooban kaagad ng mga kawatan ang kabubukas lamang na shop na We're Elevated Co.

- Naglabas ng sama ng loob ang store owner nito lalo na at nagsisimula pa lamang umano siya sa kanyang negosyo

- Bukod sa mga nanakaw na produkto, nakuha rin ang ilang mamahalin niyang gamit sa shop

- Ipinakita niya ang listahan ng ilang mga nawalang gamit at umaasa siyang mahuhuli ang mga gumawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ni Ralph Angelo Valerio, ang store owner ng We're Elevated Co. kung saan ipinakita niya ang itsura ng shop niya na ninakawan.

Nalaman ng KAMI na dismayado talaga si Ralph sa nangyari lalo na at nagsisimula pa lamang siya umano sa kanyang negosyo.

Ipinakita ni Ralph ang itsura ng kanyang shop matapos itong malooban.

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop
Photo from Ralph Angelo Valerio
Source: UGC

Pinaniniwalaang sa kisame dumaan ang mga kawatan dahil sa butas na iniwan nito.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Nagawa pang itayo ng mga ito ang dalawang mahabang upuan sa shop upang magsilbing hagdan nila upang makalusot muli sa kisame nito.

Makikita rin ang mga bakas ng sapatos ng mga nanloob sa mga upuan na ginamit ng mga ito para makaakyat muli sa kung saan sila nakapasok.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ilang mga shirts ang nakuha dahil na rin sa mga hanger na nabakante na.

Base rin sa listahan na inilabas ni Ralph, may mga sapatos ding nakuha ang mga magnanakaw.

Bukod pa rito, maging ang kanyang PS4 ay nakuha at ilan pang mamahaling gamit na nasa shop.

Sa kabila ng nangyari, naniniwala si Ralph na mahuhuli rin ang mga gumawa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW sa Dubai, hindi pa rin maiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na siya

Kamakailan, nanlulumong ibinalita ng vlogger na si Basel Manadil na nilooban ang kanyang restaurant na YOLO retro diner.

Kitang-kita sa CCTV kung paano nagpa-ikot ikot ang kawatan na ginalaw pa ang mga CCTV sa restaurant. Nakuha nito ang mga pera at ilang mga gamit sa YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, nagbigay naman ng tips ang ilang netizens kay Basel sa kung paano nito agad mahuhuli ang kawatan dahil sa tattoo nito na nakita sa CCTV.

Sinabi rin ng netizens na i-review ang CCTV footages ng mga nagdaang araw dahil baka naging customer nila ang kawatan na nagmanman na sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel