Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant
- Ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil ang balitang nilooban ang kanyang restaurant
- Ito umano ang kauna-unahang branch ng kanyang restaurant kaya hindi niya maiwasang malungkot
- Ibinahagi din niya ang ilang mga video na kuha mula sa CCTV camera na nakalagay sa kanyang restaurant na YOLO
- Sa kabila ng lahat, ang mas mahalaga daw sa vlogger ay walang nasaktan sa kanyang mga empleyado
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ikinadismaya ng Syrian vlogger na si Basel Manadil ang panloloob at pagnanakaw sa kanyang restaurant.
Ibinahagi niya ang mga video na kuha sa loob ng restaurant na nilooban ng madaling araw at nanakawan ng pera at ilang mahahalagang gamit.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ani Basel, gusto niyang mahuli ang suspek para hindi na rin maulit ito sa ibang tao. Sa kabila ng kanyang pagkakadismaya, mas mahalaga para sa kanya na walang nasaktan sa kanyang mga empleyado.
Base naman sa CCTV footage na nakuha, sa bintan ng kusina dumaan ang suspek at naiwan pa ang ilang gamit para makapasok sa loob.
Isa sa palatandaan ng pagkakakilanlan ng lalaking nanloob sa restaurant niya ay ang mga tattoo nito sa dalawang braso.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang sa pagbubukas ng taon, inilahad ni Basel ang nangyari sa biglaang pagkawala ng kanyang itinuring na "Abeoji" sa kanyang mga vlogs.
Sa kabila ng nangyari na ito sa kanila ni Mr. Chang, binuksan pa rin niya ang Korean store na Yeoboseyo na ang inspirasyon talaga ay ang kanyang "Abeoji"
Si Mr. Chang pa sana ang mamahala ng store na ito upang sana'y hindi na ito mahirapang maglako sa kalsada subalit sinabing mas pinagkatiwalaan pa umano nito ang isa pang vlogger na si Bobby.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh