Basel Manadil, binuksan pa rin ang Korean store para sana kay Abeoji

Basel Manadil, binuksan pa rin ang Korean store para sana kay Abeoji

- Ipinakita ni Basel Manadil ang paghahandang ginawa niya sa Korean mini-mart na para sana kay Mr. Chang

- Bago pa man pumutok ang isyu sa kanilang dalawa, isa na sa plano ni Basel ang mini-mart para sa tinatawag niyang "Abeoji"

- Bagaman at tuloy pa rin ang negosyo ni Basel kung saan sinabi niyang makatutulong naman ito sa ibang tao, mababakas pa rin ang sakit sa nangyari sa kanila ni Mr. Chang

- Si Basel Manadil ay isa sa kilalang vlogger sa bansa na tumutulong sa mga Pilipinong naghihikahos sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng YouTuber na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ang bagong negosyo niya na isang Korean mini-mart.

Nalaman ng KAMI na para sana ito sa kanyang dating tinatawag na "Abeoji" o si Mr. Chang.

Read also

Lolo na delivery rider, pinatawad ang customer na muntik siyang saktan

Sa kabila ng di umano'y isyu at di pagkakaunawaan ng dalawa, itinuloy pa rin ni Basel ang negosyo na ang pangunahing motibo na ngayon ay mabigyan ng hanapbuhay ang ilang mga kababayan nating naghihikahos.

Basel Manadil, itinuloy ang pagbubukas ng Korean mart para sana kay "Abeoji"
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

Bukod sa patok na rin sa bansa ang mga Korean products, bagsak presyo pa niya itong itinitinda. Kahit daw maliit lamang ang tubo, ang mahalaga mas marami silang tao na mahihikayat na pumunta at mamili sa kanila.

"Yeoboseyo" ang pangalan ng mini-mart na sana'y pamamahalaan ni Mr. Chang. Ang ibig sabihin ng "Yeoboseyo" ay "hello" sa Korean tuwing sasagot ito ng tawag sa telepono.

At dahil madalas daw makatanggap noon ng tawag ni Basel mula sa kanyang Abeoji, "Yeoboseyo" na ang naisip niyang ipangalan sa Korean mart.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang logo ng mini-mart ay ang kadalasang suot ni Mr. Chang na naka-sumbrero.

Read also

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Subalit dahil sa nangyari, pinabago na ito ni Basel at ipinatanggal.

Aminado mang labis siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ng kanyang 'Abeoji', napalitan naman daw ito umano ng blessing.

"Biggest lesson in my life so far. I was depressed for few weeks because of this but I trusted in God and allow the pain to deepen my faith. God places people in our lives who will betray us. GOD heals. GOD will provide and GOD will punish people who harm others. The Story of Betrayal Turning into a blessing," pahayag ni Basel sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na

Kamakailan ay nagsalita na si Basel tungkol sa masalimuot na pangyayari sa pagitan nila ng kanyang Abeoji na si Mr. Chang. Idinetalye niya ang pangyayari at aminadong sa ilang taon na pagtulong niya sa mga taong nangangailangan, noon lamang siya naloko at labis na nasaktan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica