Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto
- Marami ang nagmalasakit kay Basel Manadil matapos niyang ikwento ang pagnanakaw na naganap sa kanyang resto
- Nanlumo si Basel sa nangyari lalo na at tila alam ng magnanakaw ang pasikot-sikot sa kanyang retro diner
- Nakita rin ang tattoo ng lalaking nanloob dahil sa ilang kuha ng CCTV sa loob ng resto
- Nagbigay ng payo ang mga netizens kay Basel upang mas mapadali ang pagtugis sa nangahas magnakaw sa YOLO retro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maraming nanlumo nang ibalita ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" na nilooban ang unang branch ng kanyang YOLO retro diner noong Marso 12.
"Sad day" daw talaga ito ayon kay Basel dahil nanakaw ang lahat ng pera sa kanilang kaha at ilang kagamitan.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Basel ang ilang CCTV footage kung saan kitang-kita ang mga ginawa ng lalaking nanloob sa kanyang resto.
Kapansin-pansin ang kilos ng nanloob na tila alam na ang pasikot-sikot sa restaurant at nagawa pang iikot ang mga CCTV rito.
Sinasabing sa isang bintana na walang grills ang dinaanan ng lalaki at naiwan pa ang ilang mga gamit nito para makapanloob.
Nakita rin sa CCTV ang tattoo ng lalaki na maaring maging daan upang mas madali ang pagtugis dito.
Dahil sa video, nagbigay ng ilang tips ang mga netizens base sa mga napansin nila sa CCTV footage.
Maaring ang mga tips daw na ito ay makatulong upan gmas mapabilis ang paghahanap sa magnanakaw at hindi na ito makaulit sa iba pang mga establisimyento.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"He must be one of the Yolo's regular customer because he knows everything in the store as well as the CCTV positions and possibly he has been observing possible areas outside that he might go to get inside the diner"
"This seems to be an inside job. It shows that he is not wearing gloves so, his handprint can be checked. He also is not wearing any shoes or slippers. His footprint can also be checked by the police."
"This guy could have been in the shop and could have pretended as customer before, as he knew the location well, they could check CCTV footage from the other days that could match his tattoos"
"I-replay niyo po CCTV niyo days before the incident, malamang nagmanman yan sa place"
"Need to install grills for all the windows for seçurity purposes"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga natulungan kamakailan ni Basel ay ang rider na nagawang mag-bike mula Binondo, Maynila hanggang Cavite para lang makapag-deliver. Binigyan siya ni Basel ng malaking halaga ng salapi na halos ayaw niyang tanggapin.
Bukod dito, binigyan na rin niya ito ng permanenteng trabaho sa kanyang Korean Mart upang may regular na itong kikitain.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh