Basel Manadil, sinurpresa ng tulong ang viral rider na nag-deliver mula Binondo hanggang Cavite
- Sinadya pa ng vlogger na si Basel Manadil si Jeffrey Sioson, ang nag-viral na rider na nag-deliver mula sa Binondo Manila hanggang sa Cavite
- Ikinuwento rin ng rider kung bakit nagawa niyang mag-deliver nang naka-bike ng ganoon kalayo
- Dala rin ni Basel ang sako-sakong cat food na bigay din niya kay Jeffrey na nag-aalaga rin ng mga pusa
- Naluha ang rider nang ibigay na ni Basel ang tulong niya talaga rito na may kalakihang halaga ng salapi
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natulungan ng vlogger na si Basel Manadil ang nag-viral na rider na nagdeliver ng naka-bike mula Binondo, Manila hanggang sa Cavite.
Nalaman ng KAMI na talagang sinadya pa ni "The Hungry Syrian Wanderer" ang tahanan nina Jeffrey Sa Tondo, Manila para personal niyang maibigay ang kanyang tulong para rito.
Doon nakita ni Basel ang mga pusa na inaalagaan ni Jeffrey na bumungad kaagad pagdating sa kanilang tirahan.
Kaya naman bilang mahilig ding mag-alaga at mag-ampon ng pusa si Basel, binigyan niya ng sako-sakong cat food si Jeffrey bilang bahagi ng surpresang tulong niya para rito.
At nang i-abot na nga ni Basel ang may kalakihang halaga ng pera, hindi agad ito tinanggap ni Jeffrey.
Naluha talaga siya at halos hindi makapaniwala. Ngunit pilit pa rin naman itong iniaabot ni Basel hanggang sa tanggapin na ito ni Jeffrey.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Ang pinakabago ngang natulungan ni Basel ay si Jeffrey na at ikinuwento pa nito kung bakit siya napapayag na mag-deliver ng laruan kahit na may kalayuan ang destinasyon
Noong araw daw na iyon, aminado siyang wala na halos niyang kapera-pera nang tinanong siya ng kapitbahay kung maari siyang mag-deliver ng mga laruan.
Dahil may kabagalan umano siyang magbisikleta at dahil sa malayo ang kanyang destinasyon, inabot siya ng tatlong oras.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Subalit nang makita naman ng kanyang customer na naka-bisikleta lamang siya, doon ito naantig sa kanya ay binigyan pa ng tip dahil sa tiyaga nitong mai-deliver ng maayos ang produkto.
Ang post ng customer na ito ay nag-viral kaya naman nakatanggap siya ng mga tulong mula sa mga netizens na nakakita ng ng kanyang kwento.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh