Customer, labis na humanga sa rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite
- Humanga ang isang customer sa delivery rider na nag-bike mula Binondo patungong Cavite
- Inabot ng tatlong oras ang kanyang pagpadyak bago nakarating ang rider sa kanyang destinasyon
- Aminadong nainis noong una ang customer ngunit nang makita na naka-bike ang rider, naawa raw siya rito
- Hindi na sana kukunin ng customer ang ₱250 na sukli sa delivery fee subalit tinanggihan ito ng rider at isinauli ang ₱100 at sinabing sapat na sa kanya ang natira
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Humanga ang customer na si Michael Jamandre sa delivery rider na nag-bike mula Binondo, Manila patungong Cavite.
Nalaman ng KAMI na aminadong nagagalit pa umano si Michael sapagkat inabot ng 3 oras ang tagal ng kanyang delivery.
Subalit nang makita niyang nakabisikleta ang rider, nawala umano ang inis ni Michael at napalitan agad ito ng awa.
"Grabe, from Binondo papuntang Cavite eto lang gamit niya tapos ang rate ₱250," kwento ng customer.
Para makumpirma, tinext niya ang store kung saan siya nagpa-deliver ng laruan.
"Mga tambay dito sa amin 'yan. Imbes na magbisyo eh binibigyan namin ng trabaho," ang sagot daw sa kanya ng store.
Ang halaga ng delivery ay binabase pa rin nila sa isang app upang maging patas sa buyer.
Dahil dito, humanga rin si Michael sa store na nagbigay ng trabaho sa rider na isa pa lang tambay.
Kaya naman naisipan ng customer na hindi na lang sana kunin ang sukli sa ₱500 na binayad niya bilang delivery fee.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"Take note, may sukli na ₱250 sabi ko kuya sayo na yan kasi ramdam ko pagod mo babalik ka pa ng Binondo at wala ka namang item na pabalik. Isipin mo ₱250 balikan Binondo - Cavite tapos balik uli ng Binondo," pahayag ni Michael.
Ngunit tinanggihan ito ng rider at sinabing kasama iyon sa kanilang trabaho.
Isinauli pa ng rider ang ₱100 at sinabing sapat na sa kanya ang natira.
"Again kuya saludo ako sa'yo! Check niyo yung gamit niya na bike hindi pa pang-racing kaya ang hirap padyakan niyan," ayon pa sa customer.
Sa halos isang araw lang na pagkaka-post, umabot ng 133,000 ang positibong reaksyon nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, humanga rin ang isang customer sa kabutihan ng mga staff ng isang gadget store sa Makati na pinahihintulutan na gumamit ng laptop ang isang lola na wala umanong pambili ng anumang gadget.
Ngayong panahon ng pandemya, nakatutuwang isipin na mayroon pa ring mga tao na marunong magmalasakit sa kapwa lalo na't marami ang nawalan ng hanapbuhay at mas lalong naging lugmok sa kahirapan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh