Lola na kumikita lamang ng nasa ₱25 lang kada araw, natulungan ng mga netizens
- Dinagsa ng tulong ang isang lola sa Misamis Oriental na kumikita lamang ng nasa ₱25 kada araw
- Paggawa ng barbecue sticks ang ikinabubuhay ng matanda subalit ₱5 kada 100 sticks lamang ang presyo ng kanyang ginagawa
- May sakit sa pag-iisip ang kanyang anak na babae kaya naman wala siyang ibang maasahan sa paghahanapbuhay
- Ang masaklap, nabuntis pa ang anak ng di kilalang lalaki kaya naman siya rin ang nag-iintindi sa kanyang apo
- Laking pasalamat naman ng lola nang magsi-datingan ang tulong sa kanila na di nila inaasahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng nagmalasakit na netizen na si Marilou Mendoza Labanes ang kwento ng isang lola na gumagawa ng barbecue sticks sa Brgy. Bal-ason Gingoog City, Misamis Oriental.
Kwento ni Marilou, kasama ng lola ang anak niya subalit may sakit naman ito sa pag-iisip kaya hindi niya maasahan na maghanapbuhay.
Nalaman ng KAMI na ang pinagkakakitaan ng matanda ay ang paggawa ng barbecue sticks na nagkakahalaga lamang ng ₱5 sa kada 100 na piraso.
Labis na nakakadurog ito ng puso dahil sinisikap ng lola na maka-500 para lamang magkaroon siya ng ₱25 na siyang pagkakasyahin nila para sa kanilang pamilya at apo.
Nabuntis kasi ng di kilalang lalaki ang kanyang anak sa kabila ng sitwasyon nito kaya naman siya rin ang nag-iintindi maging sa kanyang apo.
Ipinambibili na lamang daw ng lola ang kanyang kita ng mais at mayroon ding mga nagbibigay sa kanila ng bigas na siyang pinagkakasya nila sa araw-araw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Aminado ang lola na sa hirap ng buhay, nais na sana niyang sumuko.
Subalit nagkaroon ito ng pag-asa nang dumating ang mga tulong sa kanya.
Matapos kasing mag-viral ng post ni Marilou, panay na ang dating ng mga taong nagmamalasakit sa matanda kaya nadadalhan sila ng maayos na pagkain at tulong pinansyal.
Labis itong pinagpapasalamat ng lola at hindi niya inaasahan ang mga biyayang ito na kanila ngayong tinatamasa ng kanyang munting pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayan ang lalong nalugmok sa kahirapan.
Kaya naman kahit may edad na, sinisikap pa ring maghanapbuhay para lang makatulong sa pamilya.
Isa na rito ang PWD na nagtitinda ng saging na naloko umano ng isang customer na nagbayad sa kanya ng pekeng pera.
Hindi man naisauli ang binigay niyang sukli, marami namang nagpaabot ng tulong sa kanya mula nang ibahagi sa social media ng kanyang pamangkin ang kanyang sinapit.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh