Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang ina na si Natividad Erandio sa umano'y paambabastos sa kanya ng anak at asawa nito

- Ayon kay Nanay Natividad, ang manugang niyang si Yolanda ang madalas nagsisimula ng gulo ng kanilang pamilya

- Depensa naman ni Yolanda, siya raw ang madalas na guluhin at minsanan pang nasaktan ng ina na nasaksihan ng kanyang mga anak

- Dahil dito, tila naliwanagan si Tulfo sa posibleng nangyayari sa pamilyang ito kaya naman minabuti niyang pa-imbestigahan na lang muna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng saklolo ang ina na si Natividad Erandio sa programa ni Raffy Tulfo sa umano'y pagmumura at pambabastos sa kanya ng kanyang anak na si Gregorio at asawa nitong si Yolanda.

Nalaman ng KAMI na kahit nakabukod na ang mag-asawa, ay nasa magkatabing bahay lamang sila ng ina ni Gregorio.

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

Kwento ni Nanay Yolanda, nagsimula ang away nila kamakailan nang kausapin niya ang manugang at tanungin na baka maingayan umano ang mga ito dahil sa ipagagawa niyang kisame.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Doon umano nagsimula ang sagutan ng magkabilang panig na madalas na pa lang nangyayari sa kanilang pamilya noon pa man.

Ayon kay Gregorio, hindi naman din siya pumapayag na sagutin na lamang ng asawa ang kanyang ina nang pabalang ngunit aminado itong iba rin umano ang ugali ng ina na nakikinig umano sa mga sinasabi ng isa pa nitong anak.

Nang kapanayamin naman ni Tulfo ang ang manugang na si Yolanda, doon ibinulalas nito ang sigalot sa pagitan nila ng biyenan at isa pang anak nito na nasaksihan pa mismo ng kanyang mga anak.

Dahil dito, tila naliwanagan si Tulfo sa mga nagaganap sa pamilyang ito. Minabuti niyang papuntahin ang isa niyang staff upang mag-imbestiga kung sino nga ba ang nagsasabi ng katotohanan sa magkabilang panig.

Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay inaksyunan din ng programa ni Tulfo ang umano'y pangungutya ng isang senior citizen sa sinumang makita nitong miyembro ng LGBT community. Tuluyan nang nasampahan ng kaso ang ale na hindi umano kinakitaan ng pagsisisi sa kanyang ginagawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel