Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado

Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado

- Isa na namang empleyado ng vlogger na si Basel Manadil ang kanyang nabigyan ng tulong

- Bukod sa pagpapabalik sa trabaho ng nasisanteng empleyado, binigyan din niya ng biyaya ang anak nito

- Nagkataon pa namang birthday ng empleyado kaya naman mas lalong naging masaya ang espesyal na araw nito

- Nangako rin itong hindi na niya sasayangin ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa kanya ng mabait niyang amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang empleyado ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" ang nabigyan niya ng tulong sa mismong araw pa ng birthday nito.

Nalaman ng KAMI na ang empleyadong ito ay minsan nang nasisante ni Basel dahil umano sa hindi nito pagseseryoso sa trabaho.

Subalit sa kabila ng dahilang ito, muli pa rin niyang itong pinabalik para magtrabaho sa YOLO Retro Diner na kanyang pagmamay-ari.

Read also

Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado
Photo from Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inamin naman ng empleyadong si Raven na nawalan siya noon ng gana sa trabaho dahil namatay ang kanyang kapatid.

Mabigat iyon sa kanyang kalooban kaya naman naapektuhan pati na rin ang kanyang trabaho.

Ngunit ngayong mayroon na siyang sariling pamilya at kapapanganak pa lang ng kanyang kinakasama, hindi raw niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ni Basel.

Sa mismong araw ng kanyang birthday, sinurpresa pa ulit si Raven ng kanyang amo. Subalit imbis na siya ang regaluhan, ang one-month old niyang anak ang ipinamili ng regalo ni Basel.

Bakas sa mukha ni Raven ang kasiyahan at maging ang kanyang ina ay labis ang pasasalamat sa ikalawang pagkakataong ibinigay ni Basel sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

BF, biglang naglaho tangay ang pera at mamahaling gamit ng kasintahan

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng kontrobersiyang kinaharap sa pagitan nila ng kanya dating tinatawag na "Abeoji," na si Mr. Chang, patuloy pa rin ang pagtulong niya sa mga taong kapos-palad.

Kayunayan, binuksan pa rin niya ang Korean Store na para sana sa negosyo ni Mr. Chang para mabigyan ng trabaho ang mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel