Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

- Kinaaliwan ng mga subscribers ng vlogger na si Zeinab Harake ang video niya kung saan kasama niya ang kanyang ama at si Skusta Clee

- Sa pamamagitan ng ilang mga katanungan, nagpaunahan ang dalawa sa pagsagot para matukoy kung sino ang higit na mas nakakakilala kay Zeinab

- Matapos ang 15 katanungan, tinalo ng daddy ni Zeinab si Skusta Clee sa score na 8-6

- Paliwanag naman ni Zeinab, natural lang na mas kilala siya ng daddy niya kasi iyon ang mas nakasama niya buong buhay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patok na patok sa mga subscribers ng vlogger na si Zeinab Harake ang video na ibinahagi niya kung saan magkasama ang kanyang daddy at ang ama ng kanyang ipinagbubuntis, si Skusta Clee.

Ang video niyang pinamagatang "Who knows me better (Father vs partner edition) ay nagkaroon ng halos 3 milyon na views sa loob lamang ng dalawang araw.

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

15 tanong ang inihanda ni Zeinab para sa dalawang lalaking itinuturing niyang pinakaimportante sa buhay niya.

Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nang tanungin kung kailan niya sinabi sa ama ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, naunang nakasagot ang ama niya.

December umano nangyari ang kanyang pagtatapat sa ama. Dito din umano naganap ang unang paghaharap ng ama at ni Skusta Clee.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang 15 tanong, nanalo ang daddy niya sa score na 8 habang nakakuha naman ng 5 puntos si Skusta. Isang tanong ang hindi nila parehas na nakuha ng tama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

I hope all father accept what makes their daughter and son happy. Ate Zeinab you're so lucky to have a father who understands your dreams and happiness.
Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino
Mahanap man ng prinsesa ang kanyang prinsepe, wala pa ring makakatalo sa pagmamahal ng kanyang hari.
So cute naman tingnan na close si Daryl and daddy Harake. But father's knows best as always. Congrats!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Kamakailan ay isinapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel