Zeinab Harake, idinetalye ang pagbubuntis sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga

Zeinab Harake, idinetalye ang pagbubuntis sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga

- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama sa iisang vlog sina Toni Gonzaga at ang YouTube Star na si Zeinab Harake

- Bagaman at ginanap ang interview ni Toni kay Zeinab noong Nobyembre, ngayon lamang ito inilabas matapos na ipahayag sa publiko nina Zeinab ang kanyang pagdadalang- tao

- Inilahad ni Zeinab ang ilang mahahalagang detalye ng kanyang pagbubuntis at kung gaano sila ka-excited sa pagkakaroon ng sariing anak

- Aminado man siyang may mga nabitawan siyang salita noon laban sa boyfriend na si Skusta Clee, ipinagmamalaki naman niya ang sarili na hindi siya napunta sa iba't ibang lalaki at tanging si Skusta lamang ang kanyang minahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang masaya at nakaka-antig ng pusong interview ang nagawa ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog kung saan nakapanayam niya sa kauna-unahang pagkakataon ang kilalag YouTuber sa bansa na si Zeinab Harake.

Read also

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

Nalaman ng KAMI na Nobyembre pa ginanap ang interview subalit inilabas lamang ito ngayong Disyembre 16, ilang araw matapos na ipinahayag sa publiko ni Zeinab ang kanyang pagbubuntis.

Sa naturang interview, sinabi muli ni Zeinab na apat na buwan na siyang nagdadalang-tao ng magiging anak nila ng boyfriend na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee.

Zeinab Harake, idinetalye ang kanyang pagbubuntis sa isang interview kasama si Toni Gonzaga
Photo from @zeinab_harake
Source: Instagram

Idinetalye niya kay Toni ang kanyang pinagdaanan mula nang makumpirma niya na siya ay buntis.

"Nagpunta ako ng OB , pagpasok pa lang ng ultrasound, 'O you're pregnant! iyak na ko," pahayag ni Zeinab.

Siya lamang mag-isa ang nagpunta noon sa doktor at hindi raw niya mapigilang umiyak nang umiyak nang makumpirma ang kanyang kalagayan.

Ang masaya pa rito, nang sinabi niya ito ay Daryl ay halos magtatalon daw ito sa tuwa dahil matagal na rin daw talaga nilang hiniling na magkaroon na ng baby.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

"Marupok na kung marupok, pero at least, proud ako sa sarili ko na na hindi ako nakita sa iba't ibang lalaki," paliwanag ni Zeinab at nilinaw niyang hindi siya nagkaroon ng ibang nobyo maliban sa ama ng nasa kanyang sinapupunan.

Mababakas talaga ang saya sa vlogger habang sinasagot niya ang mga tanong ni Toni sa kanya.

Ipinagdarasal na lamang niya na sana, hindi na raw sila humantong pa sa punto na makagawa muli ng kalokohan na maari nilang pagsisihan sa bandang huli.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Toni kay Zeinab na ipinalabas sa YouTube channel niyang Celestine Gonzaga-Soriano:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 8.59 YouTube million subsribers.

Kamakailan ay magkasama sila ng kanyang boyfriend na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ng Ex-Batalion sa pag-amin ng pagbubuntis ni Zeinab.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Nag-viral din ang post ng kapatid ni Zeinab na si Rana Harake kung saan ipinagtanggol siya nito sa mga bashers at nakiusap na maging masaya nalang para sa dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel