PWD na tindero ng prutas, nanlumo nang mabayaran ng pekeng ₱1,000

PWD na tindero ng prutas, nanlumo nang mabayaran ng pekeng ₱1,000

- Isang PWD na nagtitnda ng mga prutas at gulay ang naloko at nabayaran ng pekeng pera

- Labis itong nanlumo nang malamang pekeng ₱1,000 ang ibinayad ng bumili sa kanya ng saging na nagkakagahalaga lamang ng ₱80

- Nagmalasakit ang isa sa mga nagpakilalang pamangkin ng PWD na ibahagi ang nangyari sa tiyo sa pagbabakasakaling maibabalik din ang sukling naibigay nito

- Laking gulat ng pamangkin na bagaman at hindi na naibalik pa ang pera, marami naman ang nagpadala ng tulong pinansyal sa tiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa post ng netizen na si Kristien Javina tungkol sa tiyo niyang naglalako ng prutas na nabayaran umano ng pekeng ₱1,000.

Nalaman ng KAMI na bukod sa PWD ang kanyang tiyo, senior citizen pa ito na nagawa pa umanong lokohin ng isang customer.

Read also

Ospital kung saan naganap umano ang pagpapalit ng baby sa KMJS, maaring makasuhan

Ayon sa post ni Kristien, Pebrero 7 bandang 11 ng umaga nang bumili ng isang kilong saging na nagkakahalaga ng ₱80 ang customer na nagbayad umano ng pekeng isang libong piso.

PWD na tindero ng prutas, nanlumo nang mabayaran ng pekeng ₱1,000
Photo from Kristien G Javina
Source: Facebook

Labis na nanlumo ang PWD dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon, nakuha parin niyang maglako dahil may lima siyang mga anak na binubuhay.

Kaya naman ibinahagi ni Kristien ang nangyari sa kanyang tiyo sa pagbabakasakaling maibalik ang sukling naibigay nito.

Subalit laking gulat ng pamangkin na sa dami ng nakakita ng kanyang post, marami rin ang nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, binisita niya ang tiyo at personal niyang iniabot ang tulong na nalikom mula sa mga netizens na may mabubuting puso.

Ipinakita rin ni Kristien ang kalagayan ng kanyang tiyo pati na rin ang pamilya nito para malaman ng netizens ang hirap ng sitwasyon ng pamilya ng vendor na sana'y hindi na nakaranas ng panloloko.

Read also

Sanggol, nakumpirmang napalitan sa ospital dahil sa negatibong DNA test

Gayunpaman, labis na nagpapasalamat si Kristien sa mga nagpahatid ng tulong sa kanyang tiyo dahil malaking bagay ito sa pamilya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang bago matapos ang taong 2020, isang basahan vendor ang naabutan ng tulong matapos na mag-viral ang video ng kanyang sitwasyon.

Nabigyan pa ito ng sari-sari store mula sa programa ni Raffy Tulfo.

Gayundin ang isang Korean vendor na matapos ding mag-viral dahil sa paglalako lamang nito sa gilid ng kalsada ay dinagsa na rin ng tulong mula sa nagmalasakit na Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica