Viral na Korean vendor, di makapaniwala sa tulong na ibinigay sa kanya ng vlogger

Viral na Korean vendor, di makapaniwala sa tulong na ibinigay sa kanya ng vlogger

- Hindi makapaniwala ang 76-anyos na Korean vendor na minsan nang nag-viral sa social media

- Sinadya talaga ng vlogger na si Basel Manadil na hanapin ang Korean ng nagbebenta ng mga noodles na kanyang ikinabubuhay

- Sa una'y ayaw pa ng Korean na pakyawin ng vlogger ang mga paninda niya para raw makabili rin ang iba at makatikim ng Korean noodles

- Kaya naman pilit na lamang na ibinigay ng vlogger ang tulong pinansyal niya sa tinawag niyang "Oppa"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral na Korean vendor, di makapaniwala sa tulong na ibinigay sa kanya ng vlogger

Sina Chang Sam Hyum at Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer Facebook)
Source: Facebook

Matapos na mag-viral sa social media ang 76-anyos na Korean vendor na si Chang Sam Hyum, dinarayo na siya ng mga taga-Las Piñas para makabili ng mga Korean products sa murang halaga.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga sumadya sa Korean vendor ang kilalang vlogger na mahilig tumulong na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Kuya Wil, tuwang-tuwa sa Korean actor na sinasabing kamukha raw niya

Dahil hindi nakapirmi sa isang lugar ang Korean street vendor, sinuyod pa ni Basel ang bawat kalsada sa Las Piñas hanggang sa matagpuan niya ito.

Kasalukuyan din noong ini-interview ng isang TV station ang Korean nang dumating si Basel.

Una muna siyang nagtanong bilang isang customer kung magkano ang mga paninda ng Korean.

Tinawag pa niyang "Oppa" ang Korean, kaya naman lalo ito natuwa sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At nang sinabi niyang papakyawin niya ang lahat ng paninda nito, ayaw nitong pumayag.

Katwiran ng Korean, nais pa niyang ibenta sa iba ang paninda para makatikim daw ito ng mga produkto nila.

Kaya naman sinabi ni Basel na ibibigay na lamang niya ang pera na talagang inilaan niya bilang tulong kay Chang Sam Hyum.

Hindi rin ito pumayag sa una, ngunit nang ipilit ito ni Basel, hindi naman makapaniwala ang korean na labis na nagpasalamat sa biyayang natanggap.

Larawan ng bride at groom, viral dahil sa 'sweet caption' nito

Pilit ding tinanggal ng Korean ang mask ni Basel dahil nais niyang makita ang mukha nito.

Sumama rin si Basel sa tinitirhan ng Korean upang makita ang kalagayan nito.

Naantig ang puso ng mga maraming netizens na nakapanood ng video. Patunay lamang ito na anuman ang ating lahi, namumutawi pa rin ang pagmamalasakit ng bawat isa sa kapwa nating labis na nangangailangan.

Narito ang kabuuan ng nakakaluha at nakakaaliw na video mula mismo sa YouTube channel ni "The Hungry Syrian Wanderer":

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay isang vlogger at businessman na hayagan ang pagmamahal sa mga Pilipino.

Kaya naman mas pinili niyang manatili sa Pilipinas at patuloy din siyang tumutulong sa mga kababayan nating kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel