Sanggol, nakumpirmang napalitan sa ospital dahil sa negatibong DNA test

Sanggol, nakumpirmang napalitan sa ospital dahil sa negatibong DNA test

- Negatibo ang resulta ng isinagawang DNA test sa sanggol na sinasabing napalitan umano sa ospital

- Sa tulong ng programa ni Jessica Soho, nakumpirmang napalitan nga ang sanggol na ngayo'y nasa pangangalaga nina Aphril at Marvin

- Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga magulang ng sinasabing kapalitan nila ng anak

- Hinihintay na lamang umano nila ang resulta ng unang DNA test na ginawa nila upang makumpirmang negatibo talaga ito bago i-proseso ang pagbabalik ng kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan kamakailan ang sanggol na umano'y napalitan sa ospital na ibinahagi sa programa ni Jessica Soho.

Nalaman ng KAMI na marami ang tumutok sa kwento nina Aphril at Marvin at sa paghahanap nila ng kasagutan kung anak nga ba nila ang sanggol na nasa kanilang pangangalaga.

Kwento ng mag-asawa, nakita umano nila ang kanilang baby boy pagkasilang na pagkasilang nito.

Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado
Sanggol, nakumpirmang napalitan sa ospital dahil sa negatibong DNA test

Photo from Kapuso mo, Jessica Soho
Source: Facebook

Kaya naman laking gulat nila nang makitang marami ang pagkakaiba ng sanggol na tuluyang ibinigay sa kanila.

Maging ang tiya ni Aphril ay napansin din ang mga pagkakaiba sa itsura ng sanggol kaya naman lalo silang naghinala.

Umamin na rin ang isang nurse sa ospital na may nahulugan umano ng baby tag na tila tumugma naman sa isang napansin nina April na iba ang impormasyon ng tag ng sanggol na nasa kanila.

Kaya naman para makasiguro, nagpa-DNA sina Aphril at hawak nilang sanggol.

Sa tulong ng Kapuso mo, Jessica Soho, mas napabilis ang resulta ng ikalawang DNA test kung saan lumabas na negatibo at hindi nga anak nina Aphril at Marvin ang inaalagaan nilang sanggol.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, nakusap naman na nila ang sinasabing nakapalitan nila ng sanggol.

Handa naman daw itong makipagtulungan subalit pakiusap ng mga ito na hintayin pa rin ang resulta ng unang DNA upang makumpirma kung negatibo pa rin ang lalabas.

Viral na delivery rider at nakaalitan niyang customer, nagkaayos na

Siniguro naman ng mga ito na nasa maayos na pangangalaga ang sanggol na sinasabing anak nina Aphril at Marvin.

Kumonsulta na rin ang mag-asawa sa kung ano ang maaring pananagutan ng ospital sa nangyaring ito.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Umaasa ngayon ang marami na sa tulong pa rin ng nasabing programa ay makukuha na nina Aphril at Marvin ang kanilang tunay na anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel