Sanggol na isinilang sa ospital, pinangangambahang napalitan ayon sa magulang

Sanggol na isinilang sa ospital, pinangangambahang napalitan ayon sa magulang

- Agad na nag-viral sa social media ang kwento ng mag-asawang nangangamba na napalitan ang kanilang anak

- Ito ay matapos mapansin ng ina na tila iba ang itsura ng sanggol na napunta sa kanila kumpara sa baby na nakita niya noong kakapanganak pa lang niya

- Iba din ang apelyidong nakalagay sa tag na nakakabit sa paa ng sanggol na lalong nagpatibay sa hinala ng mag-asawa

- Kumbinsido silang hindi kanila ang batang napunta sa kanila at nais nilang maibalik sa kanila ang kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang sumusubaybay sa kwento ng mag-asawang nangambang maaring napalitan ang kanilang anak nang manganak sa ospital ang ina ng bata.

Sa Facebook post ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ng ina ng bata na si Aprhil Sifiata ang kanyang reaksiyon nang unang makita ang kanyang anak matapos niyang manganak.

Read also

Dating single mom, nakahanap ng "forever" sa isang socmed group

Sanggol na isinilang sa ospital, pinangangambahang napalitan ayon sa magulang
Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho
Source: Facebook
Nasa operating room pa lang ako, nag-request na akong makita ‘yung anak ko. Nu’ng una kong nakita ‘yung anak ko, naluha ako sa sobrang tuwa!

Gayunpaman, nilipat na ng ibang kwarto ang sanggol pagkatapos nun at tila iba na ang pakiramdam ng ina nang iabot muli sa kanya ang sanggol.

Pero nu’ng pagkaabot sa akin, sabi ko bakit parang iba ‘yung naramdaman ko? Parang hindi ako masaya. Para bang walang lukso ng dugo!

Napansin din umano niyang iba ang itsura ng bata mula sa baby na una niyang nagisnan nang manganak siya. Aniya matangos ang ilong ng batang iniabot sa kanya gayong hindi umano ganoon ang ilong ng anak niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa itsura ng bata, kinagulantang din nilang iba ang apelyidong nakalagay sa name tag ng sanggol.

Read also

Isang taong gulang na bata, nakapagsalba ng tatlong buhay

‘Yung tita ko, napansin niya rin na iba ‘yung araw ng pagkapanganak at ‘yung name tag! Sifiata dapat ‘yun kasi ‘yun ang apelyido namin. Pero itong nasa bata, iba na!

Kumbinsido silang hindi iyon ang kanilang anak at may litrato umano silang hawak na magpapatunay ng kanilang pinaglalaban.

Sure ako na hindi ko ito anak. May mga picture kami na hawak na hindi talaga siya ‘to!”

Marami ang nakaabang sa kwentong ito na nakatakdang ipalabas ngayong Linggo ng gabi sa KMJS.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami sa mga pagamutan ang kumaharap sa reklamo lalo noong taong 2020 kung saan marami sa ospital ang napuno dahil sa dumaming kaso ng pasyenteng tinamaan COVID-19.

Matatandaang isang ina ang pumanaw noong nakaraang taon matapos tanggihan ng anim na ospital na pinagdalhan sa kanya.

Dalawang bata din na may edad na 1 at 4 na taong gulang ang binawian ng buhay dahil sa umano'y pagtanggi dahil sa pag-iingat ng mga ospital sa pagtanggap ng pasyente dahil sa pangambang mahawa sila ng COVID sa pagamutan.

Read also

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate