Mister ng babaeng pumanaw matapos tinaggihan ng ilang ospital, isiniwalat ang pinagdaanan

Mister ng babaeng pumanaw matapos tinaggihan ng ilang ospital, isiniwalat ang pinagdaanan

- Isang ina ang pumanaw matapos niyang manganak at maging kritikal dahil hindi nailabas ang kanyang placenta

- Anim na ospital ang pinagdalhan sa kanya pero pawang tumanggi ang mga ito sa kanila

- Mayroon din umanong naningil ng 30,000 bilang down payment bago siya tanggapin

- Labag sa batas ang tumanggi sa mga pasyente at paghingi ng down payment

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binawian ng buhay ang isang inang nanganak. Nailabas niya ang kanyang anak pero kinailangan niyang sumailalim sa operasyon dahil hindi nailabas ang kanyang placenta.

Sa isang ulat ng Philippine Star, ibinahagi ng asawa ng namayapang ina ang kanilang pinagdaanan sa kanilang paghahanap ng ospital na mag-oopera sa kanyang asawa.

Ayon kay Jan Christian Bulatao, nanuna silang naka-confine sa North Caloocan Doctors Hospital ngunit ini-refer dahil wala umanong supply ng dugo sa nasabing ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi sila tinanggap sa Commonwealth Hospital and Medical Center dahil sa kakulangan sa silid.

Bumiyahe sila sa Far Eastern University (FEU) Hospital kung saan hinigian umano sila ng 30,000 bilang down payment.

Sinisingil pa umano sila ng karagdagang 4,000 para sa PPE na gagamitin ng mga hospital staff.

Tinanggihan din sila ng iba pang ospital hanggang sa marating nila ang San Jose del Monte General Hospital kung saan tinanggap sila pero wala nang buhay ang kanyang asawa dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.

Nais niyang mapanagot ang mga ospital na tumanggi sa kanila. Nauna nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ospital na tatanggi sa mga pasyente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel