Isang taong gulang na bata, nakapagsalba na ng tatlong buhay

Isang taong gulang na bata, nakapagsalba na ng tatlong buhay

- Tatlong buhay ang naisalba ng isang baby na Pinoy na nasa California matapos niyang maging organ donor

- Naaksidente ang bata na kasama ang kanyang pamilya noong Nobyembre at siya ang labis na naapektuhan

- Matapos ang halos dalawang buwan na pakikipaglaban sa kanyang buhay, idineklara nang brain dead ang bata

- Umaasa ang pamilya ng bata na balang araw ay makikilala nila ang nakatanggap ng organs ng kanilang itinuturing na 'hero'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapagsalba ng tatlong buhay ang 16 buwang gulang na batang si Leopold "Leqsus" Sanchez sa Amerika.

Nalaman ng KAMI na nagmistulang bayani si Leqsus sa dalawang pasyente sa California matapos na i-donate ng kanilang pamilya ang ilan sa kanyang mga organs.

Sa ulat ng ABS-CBN News, Nobyembre 2020 nang maaksidente ang pamilya ni Leqsus at siya ang pinakagrabe ang natamong pinsala.

Read also

Dating single mom, nakahanap ng "forever" sa isang socmed group

Isang taong gulang na bata, nakapagsalba ng tatlong buhay
Baby Leqsus Photo from Alyssa Zablan
Source: UGC

Kwento ng kanyang ama na si Paul Sanchez, masasabing milagro ang pagmulat pa ng mga mata noon ng sanggol lalo na at tinapat na sila ng doktor na maliit na lamang ang tyansa nito, lalo na at ang kanyang ulo at spine at tinamaan.

Enero 22, dalawang buwan makalipas ang aksidente, idineklara ng ospital na brain dead na si Leqsus.

Ito rin ang oras na mabalitaan nilang tatlong pasyente sa ospital ang nangangailangan ng organ donor. Dalawa rito ay sanggol na tulad ni Leqsus at isang matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, binigyan si Leqsus ng 'Honor walk' bilang pagbibigay pugay sa kanyang buhay na makapagsasalba ng tatlong tao.

Buong puso naman itong sinang-ayunan ng kanilang pamilya na para sa kanila ay maituturing na isang munting bayani si Baby Leqsus.

Hiling din nila na balang araw ay makilala nila ang tatlong taong nabigyan ng bahagi ng kanilang anak.

Read also

Mister, humahagulhol at 'di makakain mula nang 'di na umuwi ang misis

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang bata naman sa Pilipinas ang matiyagang naglalako ng mga gulay upang makatulong sa kanyang mga magulang lalo na ngayong panahon ng pandemya na matumal ang kita.

Gayundin ang isa pang batang naglalako ng basahan para may makain ang kanyang pamilya.

Walang pinipiling edad sa pagbibigay ng tulong kaninoman. Bata man o matanda, may kanya-kanyang kakayanan ang bawat isa upang makapagbahagi sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: