Batang nagtitinda ng basahan, nabiyayaan ng bagong tablet

Batang nagtitinda ng basahan, nabiyayaan ng bagong tablet

- Nabiyayaan ng bagong tablet ang isang batang lalaking nagtitinda ng basahan

- Nagkataong ang vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer ang kanyang napagbentahan kaya naman natulungan siya nito

- Bukod sa pagkain at tablet na binigay ng vlogger, nagbigay din ito ng perang pampuhunan ng ina ng bata sa munting negosyong maari nitong buksan

- Bago matapos ang video, sinabi ng bata na kilala niya ang vlogger na lagi raw niyang napapanood sa YouTube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang nagtitinda ng basahan, nabiyayaan ng bagong tablet

Basel Manadil "The Hungry Syrian Wanderer" (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Muli na namang nagbahagi ng biyaya ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na nakita lamang nito ang isang batang nagtitinda ng basahan sa gilid ng kalsada.

Pinagbentahan siya nito at nagmakaawang bilhin ang kanyang mga paninda.

Doon nalaman ni Basel na 12- anyos lamang ang bata at naglalako ng mga basahang gawa ng kanyang ina.

Hindi pa raw kumakain ang bata kaya naman pinakain ito ng vlogger habang inuusisa.

Bibigyan kasi ni Basel ang bata ng tablet (iPad) kung ito ay mag-aaral sa darating na pagbubukas ng klase.

Nang nalaman niyang mag-aaral nga ang bata, doon niya sinabing may surpresa siya para rito.

Inakala ng bata na grocery items ang ibibigay ni Basel kaya naman laking gulat nito nang makitang tablet pala ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinapili pa nga ang bata kung grocery nga ba ang hiling nito o ang iPad, ngunit sabi ng bata, tablet ang kanyang pinili dahil magagamit niya ito sa online class nila.

Bukod dito, nag-abot din ng tulong pinansyal ang vlogger na para naman sa ina ng bata. Maari raw nila itong magamit para makapagbukas sila ng maliit na negosyo para hindi na kailangang maglako ng bata at mag-focus na lamang ito sa kanyang pag-aaral.

Bago sila maghiwalay, nagpasalamat ang bata at sinabing kilala pala niya si Basel at napapanaood daw niya ito sa YouTube.

Bakas sa ngiti ng bata ang kasiyahan sa kanyang pag-uwi at maingat itong isinilid ang tablet sa dalang bag at sinigurong ligtas siyang makakauwi dala ang mga biyayang hindi niya inaasahang matanggap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si vlogger na si Basel Manadil sa pagiging matulungin niya sa mga Pilipinong labis na nangangailangan ng tulong.

Masasabing maswerte nga ang mga empleyado niya sa kanyang mga negosyo dahil makailang beses na rin siyang namahagi ng mga biyaya sa mga ito.

Milyon-milyon na ang followers ng vlogger na ito dahil bagama't wala siyang dugong Pinoy, masasabing puro naman ang kanyang pusong maka-Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel