Batang nagtitinda ng gulay, hinangaan ng netizens at nais matulungan
- Mabilis na nag-viral ang larawan ng isang batang lalaki na may dalang basket ng nakasupot na mga gulay
- Humanga ang mga netizens dahil sa murang edad ng bata ay marunong na itong tumulong sa pamilya
- Hiling lamang din ng mga nakakita ng larawan ng bata na ito'y makatapos ng pag-aaral dahil sa kasipagan pa lamang, malayo na ang maari nitong marating
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena sa social media ang larawan ng isang batang lalaki na sakay ng jeep at may dalang basket ng kanyang paninda.
Binahagi ng netizen na si Wencil Acosta ang larawan noong Nobyembre 25 at maraming puso ang napukaw ng larawan ng batang lalaking ito.
Sa caption, pinuri ni Wendell ang bata na sa murang edad pa lamang ay marunong nang tumulong sa kanyang pamilya.
Hindi pa man daw nararapat na magbanat na ito ng buto, nagagawa na niya marahil dahil sa tindi ng hirap ng buhay.
Napansin din ng ilang netizens na walang sapin sa paa ang bata kaya ang iba ay nagpabatid na nais nila itong tulungan.
Sa pinakikita kasing kasipagan ng bata, tiyak na aasenso ito kaya naman hangad ng marami na makatapos ito ng pag-aaral.
Nanawagan din si Wendell sa mga maaring nakakakilala sa bata dahil sa nais niya itong tulungan.
Samantala, maging ang mga netizens ay labis na humanga sa bata at hangad din nila na mapabuti ang buhay nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Very good boy. bata ka pa lang pero alam mo na kung paano magtrabaho"
"Sana lang nag-aaral siya, sayang ang kinabukasan niya"
"Pag nakita ko yan, bibili talaga ako at tutulungan ko si baby boy"
"Ito yung dapat na ginagawang scholar kasi alam mong masipag"
"God bless you little boy! more blessings to come para sayo"
Naibahagi na ang viral post na ito ng 37,000 na beses.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!
Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh