Mga batang may edad na 1 at 4 na tinanggihan ng mga ospital sa Maynila, binawian na ng buhay

Mga batang may edad na 1 at 4 na tinanggihan ng mga ospital sa Maynila, binawian na ng buhay

- Dalawang batang tinanggihan sa ospital ang sumakabilang buhay na

- Hinanakit ng mga magulang nila, buhay pa sana ang mga anak kung nalapatan man lang ang mga ito ng paunang lunas

- Ayon sa ospital, maingat na sila sa pagtanggap ng mga pasyente lalo na at mayroon silang mga COVID-19 patients na naroon at baka mahawa lamang daw ang mga bata

- Huwag na raw sanang mangyari sa iba pang mga bata ang nangyari sa kanilang mga anak na dahil lamang di umano sa pagtanggi ng mga ospital ay binawian na agad ang mga ito ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan lamang ay nai-ulat ng KAMI ang tungkol sa isang pumanaw na ginang na nagkaroon ng komplikasyon ang panganganak at tinanggihan ng anim na ospital.

Ngayon, dalawang bata naman ang binawian din ng buhay dahil sa di umano'y pagtanggi muli ng ilang ospital sa kanila.

Isa rito ang isang taong gulang na bata na kakatapos lamang na magdiwang ng kanyang kaarawan noong Abril 9.

Ayon sa panayam ng GMA News sa ina ng bata na si Maricel, sinabi nitong may butas sa puso ang kanyang anak.

Ingat na ingat daw talaga silang mag-asawa kaya naman labis silang nag-alala nang magkaroon ito ng ubo at nahirapan na rin umano itong huminga.

Dinala agad nila ito sa Ospital ng Tondo ngunit tinanggihan sila sa kadahilanang maliit lamang daw ang ospital at walang pediatrician at cardiologist noong araw na iyon.

Humingi na lamang sila Maricel ng tulong sa kanilang barangay para madala naman ang bata sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Dito nabigyan naman ng oxygen ang bata ngunit inabisuhan pa rin sila ng doctor na kinakailangan pa rin nilang lumipat ng ospital.

Puno na raw ang JRRMMC ngunit nagmakaawa pa rin si Maricel na malapatan manlang ng paunang lunas ang anak o mabigyan ito ng gamot.

Hindi na muli sila nabalikan ng doktor at agad na yumao na rin ang kanilang anak.

Nakunan pa ng swab test ang bata dahil na-tag pa umano ito na PUI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos pareho rin ang sinapit ng isang apat na taong gulang na bata na dinala rin di umano sa JRRMMC noong Abril 19.

Paliwanag ng ospital, matatanda raw muna ang kanilang tinatanggap at baka mahawa lamang daw ang mga bata sa COVID-19 patients na meron sila.

Pinauwi sila at sinabing obeserbahan na lamang ang bata. Nakiusap din ang ina ng bata na si Evelyn ngunit hindi na raw umano sila pinapansin sa ospital.

Doon sila nagdesisyon na ilipat na ng ospital ang anak ngunit, habang naghahanap ng malilipatang ospital, pumanaw na rin ang bata.

Hiling lamang ng mga magulang ng batang ito na hindi na maulit pa sa ibang pasyente ang nangyari sa kanilang mga anak na buhay pa raw sana ngayon kung nabigyan lamang daw ng kaukulang medikal na atensyon.

Samantala, nagpalabas ang Department of Health ng Circula kaugnay sa pagtanggap pa rin ng pasyente na may karamdaman na walang kauganayan sa COVID-19.

Ngunit, tila naisasantabi raw umano ito lalo na kung puno na ang mga ospital o kinukulang na sila ng pasilidad dahil sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

You have watched everything during the quarantine? We don't think so! Check out our list of series and movies that would make your stay-at-home time more interesting!

StayAtHome Mode: 8 Movies & Series That You Can't Miss | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica