Ospital kung saan naganap umano ang pagpapalit ng baby sa KMJS, maaring makasuhan

Ospital kung saan naganap umano ang pagpapalit ng baby sa KMJS, maaring makasuhan

- Maaring kasuhan ng pamilya ang ospital kung saan umano naganap ang baby switching na naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho

- Kasong negligence ang maaring isampa sa ospital gayung kitang-kita ang kapabayaang nangyari at pawang mga buhay ng sanggol ang naitaya

- Aalamin din dapat kung sinadya ba o nagkataong naipalit lamang talaga ang mga sanggol sa kanilang ospital

- Ayon sa isang abogado, kailangang ipakita umano ng ospital na hindi dapat silang ipasara o suspindihin dahil sa hinayaan nilang mangyari ang pagpapalit ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaring kasuhan ang ospital kung saan naganap umano ang 'baby switching' na naitampok kamakailan sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nalaman ng KAMI na sa isinagawang DNA test sa ina na si Aphril at hawak nilang sanggol, negatibo ang resulta nito na nagpapatunay na hindi nga niya ito anak.

Read also

Sanggol, nakumpirmang napalitan sa ospital dahil sa negatibong DNA test

Nangangahulugan din na tama ang kanilang hinala na hindi nga nila anak ang naiuwi mula nang ito ay makapanganak noong Enero ng kasalukuyang taon.

Ospital kung saan naganap umano ang pagpapalit ng baby sa KMJS, maaring makasuhan
Aphril at Marvin (Kapuso mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Mula sa buhok, itsura at timbang, ibang-iba raw talaga ang sanggol sa naipanganak niya ayon kay Aphril.

Nakunan kasi nila ng litrato ang anak niya kaya mas lalo silang kinutuban na hindi kanila ang bata.

Isa rin sa napansin ng tiya ni Aphril ay ang wrist tag kung saan makikita ang identification o pagkakakilanlan ng bata na iba ang detalye na nakasulat.

Dahil dito, labis umano ang sama ng loob nina Aphril at Marvin sa nangyari kaya naman laking pasasalamat nila sa programang KMJS dahil sa napadali ang resulta ng DNA test na isinagawa sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Katunayan, nauna pa nga ang resultang ito sa naunang DNA test na ipinagawa nila bago pa ang ipinagawa ng programa ni Jessica Soho.

Read also

Misis, inaalagaan pa rin ang asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila

Nakausap na rin nila ang sinasabing kinaroroonan ng kanilang anak at nakapalitang mga magulang.

Handa naman umano ang mga ito na makipagtulungan lalo na at may hawak na silang resulta ng DNA subalit hinihintay din nila ang isa pang resulta upang masigurong negatibo pa rin ang kalalabasan nito.

Samantala, sa programang Unang Hirit, nakapanayam naman ni Mariz Umali si Atty. Gaby Concepcion kaugnay ng konrtrobersyal na 'baby switching' na ito.

Ayon sa abogado, kasong negligence ang maaring maisampa sa ospital dahil sa umano'y kapabayaan at nangyari ang pagpapalit ng mga sanggol.

Nararapat ding alamin kung sinasadya ba o hindi ang nangyari na siyang magiging dahilan ng pagkakaroon ng mas mabigat na kaso sa kanila.

"Kailangan nilang ipakita kung bakit hindi sila dapat suspindihin o ipasara dahil sa pagpapabaya at kawalan ng tamang sistema para protektahan ang mga pasiyente nito," paliwanag ni Atty. Gaby.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Viral ex-policeman na umano'y nag-angas sa kapitbahay, ipina-Tulfo na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Hiling ng mga sumubaybay na netizens na agad nang mabigay ang mga sanggol sa kani-kanilang mga magulang upang hindi na magkaroon pa ng mas malaking problema kung ang mga ito ay magkaisip na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica