Nanindigan talaga siya! Berna Espina, aksidente lang daw ang nangyari sa bata

Nanindigan talaga siya! Berna Espina, aksidente lang daw ang nangyari sa bata

- Nanindigan ang suspek na si Berna Espino na hindi niya binugbog ang bata

- Ayon sa kanya, napalo niya daw talaga ang bata

- Nasa likod daw ito ng pinto nang naitulak niya ng malakas ang pinto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ay nanindigan si Berna Espina, ang suspek sa umano'y pambubogbog sa isang bata. Ayon sa kanya, hindi daw niya sinasaktan ang bata.

Napag-alaman ng KAMI sa isang ulat ng News 5 na ayon sa suspek ay napalo niya talaga ang bata ngunit hindi daw niya ito binugbog. Nasa likod daw ito ng pinto nang maitulak niya ng malakas ang pintuan.

Samantala, ang ama naman ng bata ay wala umano papanigan.

Panoorin ang video ng ulat dito.

Lalong dumami ang nagalit kay Berna Espina nang makapanayam ni Raffy Tulfo ang tiyahin ng tatlong taong gulang na bata. Ayon kay Michaela Lopez, ang tiyahin ng bata na kumuha ng viral na video, sumbong daw ng bata, sinasampal, kinukurot, sinusuntok at kinakagat pa daw ito. Nakita din umano ng mga doktor ang bakas ng kagat sa katawan ng bata.

Isa din sa kinausap ni Raffy ang ina ng bata na si Marimar Quilap-Quilap. Ayon sa kanya, itinakas ng kanyang dating kinakasama ang bata kaya hindi niya na nabawi ang kanyang anak. Kaya naman, iminungkahi ni Raffy na kasuhan ang dalawa.

Lalo pang naasar ang news anchor nang malamang walang imik ang ama ng bata sa ginawang pananakit ng kinakasama nito. Pinasamahan din ni Raffy si Marimar upang masiguradong masampahan ng kaso ang dalawa.

Magpapaabot din ng tulong pinansiyal si Raffy para sa bayarin nila sa ospital dahil hindi pa rin ito nakakalabas sa pagamutan hanggang ngayon.

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate