Lola sa gadget store, pinayagang makigamit ng laptop para makausap ang pamilya
- Viral ang larawan ng isang lola na nasa isang gadget store habang nakikigamit ng laptop na may internet
- Napag-alaman ng uploader na madalas ang lola sa gadget store at "nanay" na nga ang tawag ng mga staff doon
- Wala umanong pambili ng gadget ang lola at nakikigamit lang ng laptop para makausap ang kanyang pamilya
- Humanga rin ang uploader sa mga empleyado at staff ng gadget store sa pagbibigay ng oras sa matanda para makipagkumustahan sa kanyang mahal sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang viral post ng netizen na si Water So kung saan hindi raw niya napigilang kunan ng larawan ang isang lola na nakikigamit ng laptop na may internet sa isang mall sa Makati City.
Nalaman ng KAMI na madalas umanong magpunta sa gadget store ang lola. Aminado raw kasi itong wala siyang pambili ng gadget kaya lakas loob itong nakikigamit ng laptop.
Ayon pa kay Walter, napansin niyang malapit na ang matanda sa mga staff dahil sa "nanay" na ang tawag ng mga ito sa lola.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Mapapansin din sa larawan na binigyan pa ng staff ng mauupuan ang lola upang makaupo ito sa munting oras na makakausap niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Dahil sa nasaksihang eksena, humanga naman si Walter sa kabutihan ng staff at hindi ipinagdamot sa matanda ang pagkakataong makipagkumustahan ito sa kanyang pamilya.
"I salute the store employees for being charitable. I hope the returns they get is ten fold. This is now my favorite store," pahayag ni Walter.
Sa update ng viral post ni Walter, nabigyan na rin ng laptop ang lola ng hindi nagpakilalang tao.
"Happy to share that “nanay” has been provided a MacBook by anonymous."
Sa ngayon, mayroon nang 10,000 na positibong reaksyon ang naturang post.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tulad ng nabanggit ni Walter, maraming pagsubok ang dala ng pandemya sa ating mga buhay.
Bukod sa hindi madali ang pagkikita ng mga magkaka-anak dala ng banta pa rin ng COVID-19, marami rin ang nawalan ng hanapbuhay.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Gaya na lamang ng isang lola na PHP25 lamang ang kinikita sa isang araw sa tumal ng hanapbuhay sa paggawa lamang ng barbecue stick.
Mabuti na lang at mayroong nagmalasakit na bigyan sila ng tulong lalo na at ang anak pala nito ay may sakit sa pag-iisip.
May ilan naman na dahil sa kanilang edad at kapansanan, nagagawa pa silang maloko kahit na sila ay pilit pa ring naghahanapbuhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh