Alden Richards, nagpadala ng flowers sa kanyang lola sa Araw ng mga puso

Alden Richards, nagpadala ng flowers sa kanyang lola sa Araw ng mga puso

- Hindi kinalimutan ni Alden Richards na padalhan ng bulaklak ang kanyang lola ngayong Araw ng mga Puso

- Ibinahagi ng kanyang ama ang larawan ng lola ni Alden na masaya sa pa-bulaklak ng apo

- Matatandaang malapit talaga sa lolo at lola si Alden lalo na nang tumira siya sa mga ito sa loob ng isang taon

- Marami raw itong naituro sa kanya lalo na sa pagiging isang mabuting tao na alam niyang nagagampanan naman niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang Kapuso actor na si Alden Richards sa pagiging sweet at maaalalahanin nito sa kanyang lola lalo na ngayong Valentine's Day.

Nalaman ng KAMI na hindi nakalimot ang Eat Bulaga host na surpresahin ang kanyang pinakamamahal na lola na kanyang pinadalhan ng mga bulaklak.

Sa Instagram post ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. o mas kilala sa tawag na "Daddy Bae," ipinakita nito ang larawan ng lola ni Alden na hawak ang bouquet na bigay ng apo.

Vice Ganda, naluha nang pasalamatan ng TnT contestant na ama pala ng 3 niyang scholar
Alden Richards, nagpadala ng flowers sa kanyang lola sa Araw ng mga puso

Alden Richards (Photo credit: @aldenrichards02)
Source: Instagram

"Lola, Happy Valentine's Day! Love, RJ," ang mensahe ni Alden sa kanyang lola. RJ ang tawag sa kanya nito dahil sa tunay niyang pangalan na Richard Faulkerson Jr. o Richard Jr.

Matatandaang minsan nang naikwento ni Alden ang pagiging malapit niya sa kanyang mga lolo at lola.

Lalo na nang minsan nanirahan siya sa piling ng mga ito sa loob ng isang taon, marami siyang natutunang tungkol sa pagiging isang mabuting tao mula sa kanyang pinakamamahal na grandparents.

Samantala, natuwa at humanga naman ang mga netizens sa sweetness na ipinakita ni Alden sa lola at sa pagbibigay halaga niya rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang sweet at thoughtful na apo naman ni Alden kaya naman patuloy ang dating ng blessings sa kanya"
"Sweet apo, kaya naman halatang happy si lola"
Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya
"Nakakatuwa naman ang pagka-good boy ni Alden, kaya naman super proud sa kanya ang daddy bae niya"
"No wonder si daddy bae ang nagpost kasi nakaka-proud ang pagiging sweet at mabait ni Alden."
"Mabait na apo! Dapat tularan ito ng mga kabataan. Iyong pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang mga lola"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Alden Richards ay isang Kapuso actor, television host, commercial model at isa ring entrepreneur. Mas nakilala siya bilang ka-love team noon ni Maine Mendoza at minsang binansagan silang "AlDub"

Kamakailan, naibahagi ni Alden sa Eat Bulaga ang kanyang pinagdaanan sa pagsisimula niya bilang isang commercial model.

Nito lamang Enero, nagdiwang ng ika-29 na kaarawan si Alden na dinaluhan lamang ng malalapit na tao sa kanyang buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel