Vice Ganda, naluha nang pasalamatan ng TnT contestant na ama pala ng 3 niyang scholar

Vice Ganda, naluha nang pasalamatan ng TnT contestant na ama pala ng 3 niyang scholar

- Naging emosyonal si Vice Ganda nang makilala ang ama ng tatlong mga estudyante na nabiyayaan niya ng scholarship

- Sumali umano ang ama sa Tawag ng Tanghalan sa 'It's Showtime' para personal na ring pasalamatan si Vice Ganda

- Lalong natuwa si Vice nang malamang matataas ang mga grades ng mga scholar na anak ng TnT contestant

- Payo ni Vice na ipagpatuloy lang ng mga bata ang husay nila sa pag-aaral at tuloy-tuloy pa rin naman ang suporta niya sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naluha ang kilalang komedyante at "It's Showtime" host na si Vice Ganda nang makita muli ang factory worker na si Herbie Pultam na una niyang nakilala sa "I Can See Your Voice."

Nalaman ng KAMI na si Pultam ang ama ng tatlo sa mga scholar ni Vice Ganda. Sumali raw ito sa Tawag ng Tanghalan upang personal na pasalamatan si Vice sa pagsuporta nito sa pagpapaaral ng kanyang mga anak.

Senior HS, unang papapasukin sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante

“Bukod po sa gusto makasali dito at manalo, pinaka-number one po talagang sadya dito ay personal na makapagpasalamat sa inyo,” naluluhang nasabi ni Pultam.

Vice Ganda, naluha nang pasalamatan ng TnT contestant na ama pala ng 3 niyang scholar

Vice Ganda (Photo credit: @praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Aminado si Vice na hindi niya kinikilala ang kanyang mga iskolar. Paliwanag niya, ayaw daw niyang magkaroon ng emotional attachment.

Ganoon pa man, hindi pa rin naiwasan ni Vice ang maluha sa tuwa lalo na nang malamang matataas pa rin ang nota ng mga anak ni Pultam.

Makalipas ang tatlong taon mula nang pagkikita nila sa "I Can See Your Voice" kung saan niya nasabing gagawin niyang scholar ang mga anak ni Pultam na noo'y contestant din, nasa 3rd year college, 1st year college at grade 7 na ang mga natutulungan ng komedyante.

Hindi man naka-abante sa Tawag ng Tanghalan, naisakatuparan naman ng contestant ang isa pa niyang pakay sa programa at iyon ay ang personal na mapasalamatan si Vice Ganda.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Vice Ganda ay isang kilalang TV personality sa Pilipinas. Bukod sa pagiging isa sa mga mahuhusay na host ng 'It's Showtime', Marami rin sa mga naging pelikula ni Vice ang pumatok sa takilya tulad ng “The Mall, The Merrier,” "Praybeyt Benjamin," at “Fantastica.”

Kamakailan, nagpahayag ng saloobin si Vice kaugnay sa mga pagbabago ng ABS-CBN platform. Aminadong naging sensitibo siya ngayon lalo na sa mga binibitawan niyang pagpapatawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel