Senior HS, unang papapasukin sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante

Senior HS, unang papapasukin sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante

- Malaki ang posibilidad na mauna ang mga senior high school students sakaling pabalikin na sa paaralan ang mga estudyante

- Ito ang naibahagi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio partikular na umano ang mga nasa technical vocational track

- Nilinaw niya na sakaling maisakatuparan na ito, hindi rin sabay-sabay ang pagpunta ng mga estudyante at lilimitahan pa rin ang bilang ng mga ito

- Enero ngayong taon nang magsimula ang dry-run ng Kagawaran ng Edukasyon subalit naipatigil sa desisyon na pangulo na di pa rin payagan ang face-to-face classes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mga senior high school students ang nakikita na unang pababalikin sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante para sa limited face-to-face classes.

Ito ang naipahayag ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Nalaman ng KAMI na malaki ang posibilidad na bigyang prayoridad ang senior HS partikular na ang mga nasa technical vocational track lalo na at hindi pa rin sila sabay-sabay na papasukin.

Read also

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, bibida bilang Steve at Jamie sa Voltes V

Senior HS, prayoridad na mauna sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante
Department of Education (Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Hindi rin sila kailangang sabay-sabay na magpuntahan sa school, staggered din iyan para mas kakaunti ang bata na nasa paaralan," paglilinaw ni Antonio.

Nito lamang Enero ay nagkaroon na ng ilang dry-run sa inasahang pagbubukas ng mga paaralan subalit bigla itong napahinto dala ng desisyon ni Pangulong Duterte na huwag pa rin umanong payagan ang pagkakaroon ng face-to-face classes.

Samantala, nakatutok pa rin ang Kagawaran ng Edukasyon sa patuloy na pagpapatupad ng distance learning ngayong panuruang taon.

Isa sa kanilang iminumungkahi ngayon ay ang posibleng extension ng klase na inaasahang magtatapos sa Hunyo 11.

"Wala pang definite number of weeks na extension pero isa 'yan sa tinitingnan namin. Para ang lahat ng mag-aaral, lalo na iyong medyo nagkakaroon ng challenges, ay mabigyan ng pagkakataon na maisumite ang mga kailangang gawin," paliwanag ni Antonio.

Read also

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Oktubre 5 noong nakaraang taon nang opisyal na magbukas ang klase ng mga pampublikong paaralan.

Ipinatupad din ng DepEd ang iba't ibang learning modalities na kinabibilangan ng online classes at modular learning upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga estudyante sa kabila ng pandemya.

Bagaman at may ilang mga mag-aaral at magulang na umalma sa bagong sistema sa sinasabing dami ng mga ipinagagawa, mas marami pa rin ang nakakasabay at patuloy na nagsusumikap sa kabila ng makabagong paraan ng pag-aaral.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica