DepEd, 'di pabor sa panukalang "no fail policy" ngayong school year

DepEd, 'di pabor sa panukalang "no fail policy" ngayong school year

- Hindi sang-ayon ang Department of Education sa panukalang "No fail policy" para sa kasalukuyang panuruang taon

- Sinasabing ang naturang panukala ay upang mabawasan ang stress ng mga estudyante habang nag-aaral ngayong pandemya

- Ayon sa DepEd, kinailangang ipaunawa sa mga bata na kinakailangang seryosohin pa rin ang pag-aaral

- Sinabi rin ng naturang kagawaran na mas mainam na bigyan pa rin ng marka ang mga mag-aaral upang malaman nilang ito ay ayon sa kanilang ginagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pabor ang Department of Education sa panukalang "no fail policy" para sa panuruang taong 2020-2021.

Nalaman ng KAMI na ang nasabing rekomendasyon ay naglalayong mabawasan ang stress ng mga estudyante na patuloy na nag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

Subalit sa panayam kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio ng GMA News, sinabi nitong hindi patas kung lahat ng mga estudyante ay ipapasa na lamang.

Read also

Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents

DepEd, 'di pabor sa panukalang "no fail policy" ngayong school year
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kailangang maunawaan ng mga bata na ang pag-aaral ay kailangan ng effort at sineseryoso kaya ang paniniwala namin ay kailangan ng marka, numerical pa rin ang grading,” ayon kay San Antonio.

Dagdag pa niya, mayroong mga mag-aaral na todo ang effort sa pag-aaral, pagsasagot ng mga learning modules at pagdalo ng online classes habang mayroon ding mga hindi ito sineseryoso.

Nilinaw din ng DepEd na nauunawaan nila ang motibo ng naturang panukala subalit mas mainam na motibasyon umano sa mga bata kung bibigyan ng grado ang kaukulang ginawa ng mga mag-aaral para sa kasalukuyang panuruang taon.

“Hindi naman pwedeng lahat ay papasa. 'Yung talagang nagpapakita ng interes at ginagawa ang lahat pero nahihirapan ay bibigyan ng tulong at atensyon ng mga guro,” paliwanag pa ng DepEd official.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Unang kaso ng COVID-19 sa PH, naitala isang taon na ang nakalipas

Dahil sa pandemya, Oktubre 5 ng 2020 na nang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan at inaasahang matatapos ito sa Hunyo ng kasalukuyang taon.

Hindi pa rin binuksan ang mga paaralan para sa face-to-face classes kaya naman naghanda ang Kagawaran ng Edukasyon ng iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto tulad ng online classes at modular learning.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica