Unang kaso ng COVID-19 sa PH, naitala isang taon na ang nakalipas
- Isang taon na ang nakararaan nang maitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa bansa
- Matatandaang inanunsyo ni Health Undersecretary Francisco Duque III na mula mismo sa Wuhan, China ang naitalang unang kaso ng coronavirus disease 2019
- Dalawang buwan lamang ang lumipas nang malagay sa enhanced community quarantine ang karamihang bahagi ng bansa
- Sa nagayon, umabot na sa 521, 413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Eksaktong isang taon na ang nakalilipas nang maitala ng Pilipinas ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Matatandaang Enero 30, 2020 nang i-anunsyo ni Health Undersecretary Francisco Duque III na isang 38-anyos na babae mula mismo sa Wuhan, China ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas base sa ulat ng Philippine Star.
Ayon naman sa GMA News, dalawang buwan lamang ang lumipas nang magkaroon ng unang kaso ng COVID-19 sa bansa, nagdeklara na ng pandemya ang World Health Organization.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Marso rin ng nakaraang taon nang magsimulang malagay sa mga community quarantine ang ilang bahagi ng bansa habang na-lockdown din ang maraming bansa sa buong mundo.
Hanggang ngayon na taon na ang binilang ng paglaganap ng kinatatakutan pa rin na virus, buong Pilipinas pa rin ay nasa ilalim ng iba't ibang community quarantine.
Sa mga lugar kung saan patuloy na mayroong naitatalang kaso ng COVID-19 ay naka-general community quarantine pa rin at mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad at senior citizens na may edad 65 pataas.
Base sa ulat ng Manila Bulletin, 521,413 na ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
475,765 sa mga ito ay naka-recover habang 10,600 mula sa kabuuang bilang at naitalang nasawi.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na sinasabing nagmula sa Wuhan, China noong Disyembre ng taong 2019.
Mula noon, hindi na naawat ang pagkalat nito sa iba't ibang bahagi ng mundo na naging sanhi ng lockdown.
Sinasabing ngayong taong 2021, maibabahagi na sa iba't ibang bahagi ng mundo ang vaccine kontra COVID-19 kung saan pumayag umano si Pangulong Rodrigo Duterte na maging unang mababakunahan nito sa bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh