Pinakaunang kaso ng nCoV sa Pinas, nakalabas na ng ospital

Pinakaunang kaso ng nCoV sa Pinas, nakalabas na ng ospital

- Naka-recover na ang pinakaunang naitalang kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas

- Kinumpirma ng Department of Health na nag-negatibo na ito sa dalawang beses na isinagawang test sa Chinese national

- Hindi lamang makumpirma ng DOH kung nananatili pa sa bansa ang dating pasyente

- Matatandaag siya ang 38-anyos na babaeng mula mismo sa Wuhan, China na nakapagbiyahe pa papasok ng bansa noong Enero 21

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumaling at nakalabas na ng San Lazaro Hospital sa Maynila ang 38-anyos na babaeng Chinese national na pinakaunang naitalang kaso ng 2019 novel coronavirus o nCoV sa bansa.

Sa isinagawang press briefing ni Health Undersecretary Eric Domingo, dalawang beses na umanong nag-negatibo sa test ang pasyente.

Sabado, Pebrero 8 nang ma-discharge na ito sa ospital ngunit di nila nakumpirma kung nanatili pa rin ito sa bansa o nakabalik na muli ito ng China.

Sa unang ulat ng KAMI, matatandaang dumating ang babaeng ito noong Enero 21 sa bansa partikular na sa Cebu at nakatungo agad sa isang resort sa Bohol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sumunod na nagpositibo ang kasama nito ngunit agad naman pumanaw noong Pebrero 1.

Ito ang ikalawang naitalang kaso ng nCoV sa bansa ngunit pinakaunang Chinese national na pumanaw sa labas ng China.

Kasalukuyang nasa 314 ang mga "patients under investigation" sa bansa na karamihan ay Pinoy.

Samantala, kahapon lang ay matagumpay na nasundo ng medical team ng DOH ang 32 na mga Pinoy na pinayagang makapagbiyahe pabalik ng bansa mula sa Hubei. Ito pa naman ang episentro ng 2019 nCoV kaya naman aminado ang "the brave 5" na medical team na nakaramdam din sila ng kaba.

Ngunit nangibabaw ang pagmamalasakit nila sa kapwa nila Pinoy kaya naman buong tapang silang lumipad ng China.

Masasabing mga "healthy" at walang naramdamang anumang sakit ang mga sinundo na naka-quarantine ngayon sa New Clark City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel