Larawan ng estudyanteng naiyak sa online class, ikinabahala ng netizens
- Viral ang larawan ng isang estudyante na di napigilang maiyak sa harap ng kanyang laptop
- Ito ay dahil sa dami raw ng requirements na pinagagawa sa kanilang online class
- Ibinahagi ng kanyang tiyo ang larawan sa labis na pag-aalala sa estudyante na tila na-stress na kaysa sa matuto
- Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at karamihan daw sa mga ito ay nakaka-relate sa ganitong senaryo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang estudyanteng hindi napigilang maiyak sa harap ng kanyang laptop.
Nalaman ng KAMI na ito ay bunsod sa sandamakmak na requirements ng kanilang online classes.
Ayon sa post ng netizen na si Dennis Quiaot Castor, tila nag-alala na siya sa kalagayan ng kanyang pamangkin na kitang-kitang nahihirapan sa dami ng ipinagagawa sa kanila.
Kwento pa ni Dennis, natulungan na niya umano ang mag-aaral subalit mapapnsin pa ring nababahala pa rin ito sa dami marahil ng kailangan pa niyang tapusin.
"Hinay hinay din sa parequirements, hindi sila robot! Kung ilang subjects meron sila, for sure lahat may activities. Honestly, natulungan ko na siya sa part na yan. Naaawa ako na parang mas stress sila kesa nakakapag-aral," ang bahagi ng post ni Dennis.
Makalipas ang wala pang 24 oras mula nang ito ay mai-post umani na ito ng 21,000 reactions, 3.2 comments at 39,000 shares.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Marami umano kasi ang sa mga netizens na tila naka-relate sa kalagayan ng estudyante. Ang ilan, mga magulang na naglabas din ng hinaing sa napapansin nilang mas madaming gawain ngayong naka-online class ang karamihan ng estudyante bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa sistema ng online class ngayong panuruang taon.
Matatandaang isang working student ang umano'y napahagulhol na nakiusap sa kanyang mga propesor patungkol din sa dami ng pinagagawa sa kanilang online class.
Lumalabas daw kasi na tila hindi na sila natututo at ginagawa na lamang nila ang mga activities upang makapagpasa sa takdang oras. Agad din naman siyang dininig ng kanilang paaralan at naglabas agad ng memo patungkol sa hinaing ng working student na nag-viral.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bagaman at ang ilang unibersidad at pribadong paaralan sa bansa ay nagsimula na ang pagsasagawa ng online classes, sa Oktubre 5 pa ang itinakdang araw ng Department of Education para naman sa pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan.
Bukod sa online classes, may iba pang pamamaraan ng pagkatututo ng mag-aaral sa panahon ng pandemya o tinatawag na blended learning tulad ng paggamit ng ipamimigay na modules, TV at radio programs kung saan maari silang makapanood o makapakinig kung wala silang internet at gadget na maaring magamit.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh