Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, bibida bilang Steve at Jamie sa Voltes V

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, bibida bilang Steve at Jamie sa Voltes V

- Ipinakilala na ng Kapuso Network ang mga bibida sa inaabangang live-action adaptation ng 'Voltes V'

- At nito lamang Miyerkules, February 10, ipinakilala na ang mga artistang gaganap bilang Steve Armstrong at Jamie Robinson

- Bibigyang buhay sila ng mga Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

- Sila ang kukumpleto sa limang karakter na magpapasaya at magpapasabik sa mga fans ni 'Voltes V'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa wakas ay ipinakilala na ng Kapuso Network ang dalawa pang bibida sa inaabangang live-action adaptation ng "Voltes V".

Sa report ng 24 Oras nito lamang Miyerkules, February 10, ipinakilala na ang mga gaganap kina Steve Armstrong at Jamie Robinson.

Bibigyang-buhay ng Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix ang karakter ng lider ng grupo na si Steve.

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, bibida bilang Steve at Jamie sa Voltes V
Photo: GMA Network (@gmanetwork)
Source: Instagram

Masaya si Miguel na ibinigay sa kanya ang break na ito at sinabing para siyang nasa "cloud 9".

Read also

YouTuber na nagsasagawa ng 'prank', napaslang ng inakalang totoo ang robbery

Matapos bumida sa ilang drama sa GMA kasama ang on-screen partner na si Bianca Umali, handa na raw gumanap bilang piloto ng volt cruiser si Miguel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sarap sa pakiramdam. Para 'kong nasa cloud nine," sabi pa ni Miguel sa panayam dito.

Samantala, ang gaganap naman bilang Jamie at ang nag-iisang babae sa grupo ay walang iba kundi ang dating Kapamilya na si Ysabel Ortega.

Aminado ang dalaga na ito na ang pinakamalaking break sa kanyang showbiz career.

Ayon sa report, marami ang nag-audition para sa karakter ni Jamie ngunit nangingibabaw ang galing at ganda ni Ysabel.

Si Ysabel ay anak ng mga batikang artista sa bansa na sina Lito Lapid at Michelle Ortega.

Hindi na nga mapipigilan ang pagdating ng pinakasikat na robot na hinangaan ng maraming kabataan noon.

Read also

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

At tiyak na aabangan ito hindi lamang ng mga nakakilala kay Voltes V kundi maging ang mga kabataan ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lang ay ipinakilala na rin ang tatlo pang makakasama nina Miguel at Ysabel na gaganap sa mga karakter nina Mark, Big Bert at Little Jon.

Gaganap bilang Mark si StarStruck 7 avenger Radson Flores; ang Spogify winner ng "Eat Bulaga" naman na si Matt Lozano ang bibida bilang si Big Bert; at ang cute na cute na si Raphael Landicho naman si Little Jon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Read also

Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme

Source: Kami.com.ph

Online view pixel