YouTuber na nagsasagawa ng 'prank', napaslang ng inakalang totoo ang robbery

YouTuber na nagsasagawa ng 'prank', napaslang ng inakalang totoo ang robbery

- Napaslang ang isang YouTuber sa USA dahil umano sa pagsasagawa ng 'prank robbery' sa parking lot ng isang adventure park

- Ayon sa salarin, self-defense umano ang kanyang ginawa sa pag-aakalang totoo ang eksenang nagaganap

- Ang YouTuber at mga kasama nito ay armado ng patalim sa pagsasagawa ng prank kaya aakalain umanong totoo ang ginagawa ng mga ito

- Sa ngayon, wala pang isinasampang kaso sa nakapaslang subalit patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pangyayaring ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang isinagawang prank ng YouTuber na si Timothy Wilks na nauwi sa kanyang pagkamatay.

Nalaman ng KAMI na ang 20-anyos na vlogger ay nagsagawa ng prank robbery sa Urban Air trampoline and adventure park sa Nashville, Tennessee habang kinukunan ito ng video.

Ayon sa ulat ng Fox News, lumapit umano ang grupo nina Wilks sa ilang tao sa parking lot ng nasabing adventure park. Kargado ng patalim, inakala talaga ng mga tao na totoo ang eksena.

Read also

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

YouTuber na nagsasagawa ng 'prank', napaslang ng inakalang totoo ang robbery
Photo from Timothy Wilks
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, nabaril ng 23-anyos na si David Starnes Jr. si Wilks at sinabing "self-defense" ito sa pag-aakalang totoo ang mga nangyayari.

Ayon pa kay Starnes, hindi lamang siya ang kanyang prinoprotektahan kundi maging ang iba pang tao na inaakala niyang mabibiktima ng grupo ni Wilks.

Sa update ng Metropolitan Nashville Police Department, sinabi nilang wala pa umanong kaso na isinasampa laban kay Starnes subalit patuloy ang pagsasagawa nila ng imbestigasyon.

Pinag-aaralan din kung masasampahan ng kaso ang mga kasama ng YouTuber sa prank video na nagdulot naman ng kaguluhan sa nasabing lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, marami-rami na rin ang mga vloggers na nagsasagawa ng mga prank video subalit karamihan naman sa mga ito ay pawang mga katatawanan ang mga kinalalabasan.

Read also

Sarah Geronimo, trending matapos hindi makadalo sa anniversary ng ASAP Natin 'To

Subalit ang mga prank na labis na nakababahala na paulit-ulit nang nangyayari sa bansa ay ang mga fake orders na ang mga biktima ay mga delivery riders.

Madalas, lampas 10 ang mga delivery riders ang nabibiktima ng isang prank na labis na nakaaapekto sa kanilang hanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica