Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

- Nahuli na ng mga awtoridad ang 35-anyos na lalaking nagawang mag-post sa kanyang Facebook stories nang may hawak na granada

- Nagawa lamang daw umano niya ito dala ng matinding selos at nahuli niyang may ka-chat ang kanyang nobya

- Aminado rin ang suspek na nakakainom siya nang magawa niyang i-post ang larawan

- Ayon sa pulisya, madaling sumabog ang mga ganoong uri ng granada na mailaglag lang, sasabog na agad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasakote na ng pulisya ang 35-anyos na si Eddie Boy Cervales matapos na mag-post ito ng kanyang larawang hawak ang isang granada.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facebook stories, tila ipinagmamalaki pang ipinakita ni Cervales ang granada na labis na ipinagbabawal.

Ayon sa ulat ni Mai Bermudez ng GMA News, nahuli si Cervales Sa Purok 12 sa Pateros sa tulong ng intelligence report.

Read also

Netizen, muntik nang mabiktima ng umano'y modus ng pekeng delivery service

Lalaking may hawak na granada at nag-post sa kanyang FB story, arestado na
Photo from Pixabay
Source: UGC

Kwento ng lalake, selos ang pinag-ugatan ng kanyang post kung saan nagawa pa niyang magbanta na pasasabugin ang hawak na granada.

"Pag ako naburyo hahagis ko 'to damay damay nato," ayon sa post na lubha nga namang nakakaalarma.

Nahuli kasi ni Cervales na may ka-chat na iba ang kanyang nobya. Aminado rin siyang nakakainom nang magawa ang kontrobersyal na post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dagdag pa ng lalake, ipinabebenta lamang sa kanya ang granada kaya naman ito'y nasa kanya.

Sa panayam sa Chief of police ng Pateros na si PCol. Ramchrisen Haveria, sinabi nitong delikadong sumabog ang ganoong uri ng granada na hawak ni Cervales. Mahulog lamang ito at tiyak na malaki pa rin ang pinsala na maidudulot nito.

Mahaharap sa kasong illegal possession of explosives si Cervales.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nito lamang Enero 3 nang sumabog ang isang bus sa Fairview matapos na sabuyan umano ng flammable material ng isang pasahero ang konduktora ng bus saka sinilaban. Sinasabing selos din ang ugat ng pangyayaring ito na ikinasawi rin ng dalawa.

Hindi rin nalalayo ang eksenang ito sa ginawa ng isang lalaking umano'y brokenhearted noong Valentine's Day at nagawang manapak na lamang ng kanyang mga kapwa pasahero sa sinasakyang jeepney.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel