TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

- Napuno ng emosyon ang pakikipag-usap ng Tawag ng Tanghalan contestant na si Kaloy Villamer kina Vice Ganda at Kim Chiu

- Matapos ang kanyang performance sa nasabing segment ng noontime show ay kinausap siya ng dalawang hosts

- Dito napag-usapan ang tungkol sa naungkat na post ng contestant noong siya ay nasa ibang bansa pa nagtatrabaho

- Humingi siya ng paumanhin sa lahat ng nasaktan umano sa kanyang nagawa noon lalo na sa mga apektado ng pagkakasara ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni Kim Chiu na maiyak nang makausap niya ang isang Tawag ng Tanghalan contestant na si Kaloy Villamer.

Bago pa man sumabak sa entablado ng TNT, naging kontrobersiyal na ang nasabing contestant matapos maungkat ng mga netizens ang dati niyang post sa social media na nagpapakita ng kanyang pagsuporta sa pagpapasara ng TV network.

Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022
TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito ay kinuyog siya ng mga tagasuporta ng ABS-CBN at marami ang bumatikos sa kanya sa social media.

Kwento ni Kaloy, napag-isip-isip niyang huwag na lang tumuloy at nabanggit niya sa isang coordinator ng show na maiintindihan niya kung maibibigay umano sa mas deserving sa kanya ang kanyang slot sa Tawag ng Tanghalan.

"Yung gusto mong mapasara ang network pero sila yung tumulong sayo maipakita ang talento at matupad ang pangarap mo."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kasunod nito ay humingi siya ng dispensa sa lahat ng Kapamilya dahil sa kanyang naging paniniwala noon.

“I apologize to everybody who gave me a chance na marinig ‘yung story ko—my story of change, my story of hope. I would like to thank and apologize to everybody, on behalf of the people who did the same thing. I would like to apologize to you, guys.”
Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Ang Tawag ng Tanghalan o TNT ay isang patimpalak sa pagkanta na napapanood sa noontime show na It's ShowTime. Sa kabuuan, pito na ang tinanghal na kampyon sa nasabing singing contest na nagsimula noong January 2, 2016.

Ang mga tinanghal na kampyon ay sina Noven Belleza, Jhon Clyd Talili, Janine Berdin, Elaine Duran, Ethel Booba, Mark Michael Garcia, at JM Yosures.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel