Elaine Duran, hinirang na Grand Champion ng Tawag ng Tanghalan 3

Elaine Duran, hinirang na Grand Champion ng Tawag ng Tanghalan 3

- Wagi si Elaine Duran ng Mindanao sa Ikatlong Taon ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime

- Pasok sa top 3 na kasama ni Elaine sina John Michael Dela Cerna mula rin sa Mindanao at si John Mark Saga ng Luzon

- Basil Valdez medley ang pinambato ni Elaine sa second round nang maglaban-laban ang top 3 para tanghaling grand champion

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming Netizens ang natuwa sa pagkapanalo ng kanilang pambato na si Elaine Duran sa Tawag ng Tanghalan, Ikatlong Taon.

Ayon sa ABS-CBN news, si Elaine ang kauna-unahang naging 10-time defending champion ng prestihiyosong patimpalak ng kantahan sa It's Showtime.

Sa first round ng grand finals, napili ni Elaine ang kanta ni Shanti Dope na 'Nadarang' na sobrang ikinamangha ng mga hurado.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maging ang host na si Vice Ganda ay nagkomento na di niya akalain na ang rap song na ito ang ipambabato ni Elaine para sa grand finals.

Samantala, tinawag naman ni hurado Mitoy si Elaine "Alien" dahil di raw ito "tao" sa husay nitong kumanta.

Di pa man natatapos ang kanyang awitin ay nakatanggap na siya standing ovation mula sa lahat ng hurado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, pasok din sina John Michael Dela Cerna ula rin sa Mindanao at si John Mark Saga ng Luzon sa top 3.

Basil Valdez Medley ang kinanta ni Elaine sa second round nang maglaban-laban na ang top 3 para tanghaling grand Champion ng Tawag ng Tanghalan Ikatlong Taon.

Anim na araw na pinaglabanan ng 13 finalist ang top 6 na siyang umarangkada sa Day 6, Ang Huling tapatan.

Ginanap ang mainit na tagisang ng galing sa kantahan na ito sa Caloocan city Sports Complex, Setyembre 28.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel