Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

- Marami ang lalong humanga sa Syrian vlogger na si Basel Manadil matapos niyang tulungan ang mag-iinang naglalako ng inumin

- Pinamili niya ang mga ito ng damit, sapatos, mga gamit, pagkain at maging ng mga pangangailangan ng bata kagaya ng diapers

- Bukod sa kanyang pinamili para sa mag-iina, binigyan niya rin ng pangpuhunan ang ina ng mga bata para hindi na ito mamroblema

- Abot-abot naman ang pasasalamat ng tindera at bakas din sa mukha ng bata ang labis na kasiyahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para sa Syrian vlogger na si Basel Manadil, may mga pagkakataong kung sino pa ang walang-wala sa buhay, sila pa ang may pusong mapagbigay.

Muli itong napatunayan nang lapitan ni Basel ang mag-iina at habang kinakausap niya ang nanay ng mga bata, inalok siya ng batang lalaing si Jeffrey ng tinapay.

Read also

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig
Basel Manadil (@thehungrysyrianwanderer)
Source: Instagram

Matapos makausap ay ipinalaam ni Basel ang kanyang kagustuhang makatulong sa mag-iina. Sinama niya ang mga ito upang mabilhan ng kanilang mga pangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagkain, pinamili din ni Basel ng damit, sapatos, laruan at diaper ang mag-anak. Hindi naman maikubli ang galak sa mukha ng mag-iina sa kanilang natanggap na biyaya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Para kay Basel, hindi dapat tumigil na magbigay ng inspirasyon at mamahagi ng biyayang natatanggap.

Back on the street mga tao, rewarding the best kind of people - hardworking kababayans. Will never stop inspiring and spreading the blessings. May napasaya na naman po tayo. Salamat po sa never ending support. Mabuhay tayong lahat!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Read also

BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Matatandaang sa pagbubukas ng taon, inilahad ni Basel ang nangyari sa biglaang pagkawala ng kanyang itinuring na "Abeoji" sa kanyang mga vlogs.

Sa kabila ng nangyari na ito sa kanila ni Mr. Chang, binuksan pa rin niya ang Korean store na Yeoboseyo na ang inspirasyon talaga ay ang kanyang "Abeoji"

Si Mr. Chang pa sana ang mamahala ng store na ito upang sana'y hindi na ito mahirapang maglako sa kalsada subalit sinabing mas pinagkatiwalaan pa umano nito ang isa pang vlogger na si Bobby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate