Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong
- Matapos mag-viral, dinagsa ng tulong ang delivery rider na nag-bike mula Binondo, Manila hanggang sa Cavite
- Nabigyan siya ng bagong bisikleta ng Tondo Cartel at may mga nagpaabot pa sa kanya ng tulong pinansyal pambili umano ng helmet
- Mayroon ding nagbigay sa kanya ng gloves na magagamit niya sa pagbibisikleta
- Ayaw pa halos tanggapin ng rider ang mga biyaya sa kanya subalit pilit itong iniabot ng nagmalasakit sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos mag-viral ng delivery rider na si Jeffrey Sioson, dinagsa na siya ng mga biyayang hindi niya akalaing makakamit.
Nalaman ng KAMI na marami ang humanga kay Jeffrey dahil sa post ng kanyang naging customer na si Michael Jamandre.
Isa ang Tondo Cartel sa mga nagpaabot ng biyaya kay Jeffrey na sa una'y ayaw pa umano niyang tanggapin.
Bukod kasi sa magandang klase ng biskleta na mula sa Tondo Cartel, mayroon ding nagpaabot sa kanya ng tulong pinansyal.
Ang pera ay maari raw nitong ipambili ng helmet nang sa gayon ay maging ligtas ito sa pagde-deliver.
Mayroon ding nagbigay pa ng gloves lalo na at pinapatos umano nito ang malayuang delivery na sadyang nakakapagod.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa video na binahagi ng "Ang mga trip ni Negro," makikitang naluha talaga si Jeffrey at halos hindi makapaniwala sa mga biyayang natanggap.
Ipinangako rin niyang ipagpapatuloy ang kasipagan at tutulong din sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya.
Mababakas sa ngiti ni Jeffrey sa mga larawan ang kanyang kaligayahan sa mga tulong na kanyang natanggap. Nagpasalamat din sila sa customer na si Michael na siyang naging daan kung bakit dinagsa siya ng tulong.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nito lamang Lunes, ibinahagi ng netizen na si Michael Jamandre ang nakamamanghang kwento ni Jeffrey na tatlong oras na pumadyak mula Binondo, Maynila hanggang sa Cavite.
Ang labis na ikinamangha ni Michael kay Jeffrey ay nang tumanggi ito sa bigay ni Michael na ₱250 na tip mula sa sukli ng delivery fee. Pilit na tinatanggihan ito ni Jeffrey subalit mapilit din si Michael.
At dahil parte pa rin umano ng kanyang trabaho ang delivery, isinauli pa rin ni Jeffrey ang ₱100 at sapat na raw sa kanya ang naibigay na tip ng customer.
Sa panahon ng pandemya, maituturing din nating mga frontliners ang mga delivery riders na matiyagang naghahatid sa atin ng ating mga pangangailangan. Sila ang buwis buhay na laging nasa labas habang ang kanilang mga customer ay nasa kani-kanilang mga bahay bilang pag-iingat.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh